Ang Kwento ng Tagumpay Mula sa Jollibee Foods Corporation

Paano Nagsimula ang Jollibee from Ice Cream Parlor to One of the Biggest Corporation?

Para sa mga napakaraming Pilipino (Millennials) , isa sa mga bumuo ng ating kabataan ang Jollibee. Mapa ordinaryong araw man, birthdays, graduation, Christmas, at kung ano pa mang selebrasyon, ang ang restaurant na ito ay talagang naging bahagi na ng napakaraming milestone sa buhay ng mga Pilipino. Mapabata man o matanda, kakaiba ang hatak na nagagawa ng isa sa pinakasikat na fastfood chain sa bansa—- ang Jollibee. 

Sino ba naman ang hindi matatakam sa langhap-sarap nitong pagkain na talaga naman binabalik-balikan ng milyon-milyong Pilipino at hinahanap-hanap ng ating mga kababayan sa ibang bansa maging mga dayuhan. Saan mang sulok ng Pilipinas pati na rin sa ibang bansa, ang Jollibee ay isang icon of success na talagang proud tayo na dito nagsimula sa ating bansa. 

Pero bago pa man narating ng Jollibee ang tuktok bilang isa sa pinakamalaking kainan at kumpanya sa bansa, alam mo ba na ito ay nagsimula lamang sa isang maliit at simpleng ice cream parlor? 

Maging ang tao sa likod ng tagumpay ng Jollibee ay nagmula sa mahirap na pamilya bago pa man ito maging isa sa pinakamayamang negosyante ng bansa. 

The Tony Tan Caktiong  Success Story: From Rags to Riches

Ipinanganak sa isang mahirap na pamilya, Si Tony Tan Caktiong ay ikatlo sa pitong magkakapatid. Isa ang kanyang pamilya sa napakaraming Chinese na nakipagsapalaran at nagsimula ng panibagong buhay sa Pilipinas upang matakasan ang napakahirap na buhay noon sa China. Ang pamilya ni Tony ay nagmula sa Fujian Province kung saan ang kanyang tatay ay isang chef sa isang Buddhist Temple. 

Dahil nga marami silang magkakapatid sa pamilya ay naging mahirap ang buhay nila sa China. Dahil sa kagustuhang magkaroon ng mas maayos na buhay ay nagpasya ang kanyang mga magulang na sila ay mag migrate sa Pilipinas at magsimula ng mas maayos na buhay. 

Dahil sa sipag at tiyaga ng kaniyang mga magulang ay nagkaroon ito ng business opportunity noon sa Davao kung saan ito’y nakapagpatayo ng sarili nitong restaurant. Kasama ang buong pamilya ay sila ay lumipat sa Davao mula sa Manila. Sa kagustuhan na mabago ang takbo ng kanilang buhay, nagsikap ang buong pamilya na itaguyod ang kanilang restaurant kung saan sila mismo ang nanilbihan dito simula sa pagluluto, paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng lamesa at pagkakahera. Ito rin ang nag expose sa kanilang magkakapatid sa pagnenegosyo. 

Para sa kanyang pamilya, ang pagkakaroon nila ng restaurant ay isang turning point sa kanilang buhay na naging dahilan ng pag asenso nilang mag-anak. Nang kumita ang kanilang restaurant sa tulong nga buong pamilya ay naging matagumpay ang kanilang negosyo daan upang makapag-aral silang magkakapatid. Bumalik si Tony sa Maynila upang mag-aral sa kolehiyo kung saan siya ay nag-aral ng Chemical Engineering sa University of Sto. Tomas. 

Meant for Business… 

Ang lungsod ng Maynila ang nagbukas ng mga mata ni Tony sa napakalawak na opportunidad na maari niyang tahakin sa buhay. Ngunit ang pagkakataon na makabisita sa Magnolia Ice Cream Plant sa Quezon City noong 1975 ang talagang pumukaw sa interes ni Caktiong sa pagnenegosyo lalo na nang malaman niya na bukas ang kumpanya sa mga gusto mag franchise. 

Dahil naniniwala siya na ito’y isang magandang opportunity para sa kanya bilang entrepreneur, di na siya nagdalawang isip na lumapit sa kanyang magulang at manghiram na kapital na P350,000 mula sa kanilang family savings upang magbukas ng franchise ng Magnolia Ice Cream. Nang makahiram ay nagbukas agad siya ng dalawang prangkisa sa Cubao at Quiapo na kanyang tinawag na Cubao Ice Cream House at Quiapo Ice Cream House. 

Tinangkilik naman ng mga tao ang kanyang negosyo at lumakas ito. Dahil sa hindi na kaya na sila lamang ang magpatakbo nito ay nagdesisyon sila na mag hire ng iba pang tauhan at mag train sila ng magpapatakbo ng shop at mag focus na lamang sa pagpapalawak ng negosyo. Sa kanilang ice cream shop ay una silang nagtinda ng mga ice cream ngunit kalaunan ay sinubukan nilang dagdagan ang kanilang pagkain sa menu. 

Napansin nila na hindi naman araw-araw gugustuhing kumain ng mga tao ng ice cream Kaya naman naisip niyang idagdag ang fried chicken at hamburger sandwiches sa kanilang menu. Kalaunan ay napansin niya na mas mabenta ang kanilang mga burgers kaysa sa ice cream. Noong 1978, nagkaroon na sila ng anim na branches kaya naman ay naisipan nila ito na pangalanan ang kanilang negosyo. 

The Smiling Red Bee— The Beginning of Jollibee 

Dahil sa naging successful na ang kanilang negosyo, napagpasyahan niya at ng kanyang pamilya na mas palawakin pa ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagestablish nito bilang isang fast food brand. Nang napagtanto na kailangan nila ng brand name at logo para sa kanilang negosyo, naisip ni Mr. Caktiong kasama ng kanyang pamilya ang gamitin ang imahe ng “smiling red bee”, na kung saan ito ang naging mascot ng Jollibee hanggang sa kasalukuyan. 

Dahil sa napansin nila na mas pinipilahan ng mga customers ang kanilang hamburgers kaysa sa ice cream ay nagdesisyon sila na iconvert na lang ang ice cream house bilang isang hamburger house dahilan upang tawagin ito noon na Jollibee Yumburger. 

Kung bakit ang bubuyog ang kanilang naging inspirasyon sa kanilang branding ay dahil sa ang bubuyog ay masisipag, at ang honey na kinokolekta nito ay nagrerepresenta sa tamis ng buhay. Sakto ang representation na ito sa kanilang pinagdaanan sa buhay dahil katulad ng colony ng bubuyog, tulong2 sila upang makapag imbak ng nectar at makabuo ng honey. Gaya ng pamilya nila, mula sa ibaba ay sama-sama silang magpamilya na itinaguyod at binuo ang pangarap niya na maginhawang buhay para sa kanilang pamilya. 

Una nila itong tinawag na JOLLYBEE— mula sa salitang “Jolly” , as in happiness and enjoyment, at “Bee” na mula sa bubuyog na siyang inspirasyon ng kanilang pangalan. Kalaunan ay pinalitan nila ang spelling nito bilang JOLLIBEE na kanilang naman ginastusan nang malaki upang maregister ang trademark nito sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa. 

Sa mahigit na isang dekadang paninirahan nila sa Pilipinas, mas naging matimbang sa kanya ang pagka-Pilipino at kultura nito kahit pa siya ay walang lahing Pinoy. Napansin niya sa mga Pinoy ay ugali natin na amuyin muna  ang pagkain bago ito simutin. Dito nagmula ang kanilang campaign slogan na “Langhap Sarap” na hanggang sa ngayon ay matunog pa rin sa mga tao. 

Maliban sa Official na pangalan ang fast food chain, pinalawak din nila ang hanay ng mga produkto. Maliban sa ice cream, sinali nila sa menu ang burgers at sandwich, pati na rin fried chicken na kilala ngayon bilang “chicken joy” at ang signature Jolly Spaghetti nila na Pinoy style. 

Ang paggawa nila ng kanilang signature spaghetti ay hindi naging madali at kailangan ng matinding research upang maperpekto ang tamang lasa na kanilang hinahanap para sa mga pinoy. Natupad ito sa tulong ng kanyang kapatid na babae. Ngayon, masasabi nating walang katulad ang spaghetti ng Jollibee sa ibang spaghetti ng iba. At kung Pinoy Style spaghetti ang usapan, ang spaghetti ng Jollibee ay isa sa mga basehan ng lasa nito. 

The Success of Jollibee 

Tinangkilik ng maraming Pilipino ang Jollibee at kalaunan nagsulputan na rin ang naglalakihang international fast food companies gaya ng lamang ng Mcdonald na siyang pangunahing competitor ng Jollibee sa bansa. Ang kompetisyon na ito ay di naging threat para sa Jollibee dahil sa ang bentahe nito ay ang pagkaing may panlasang Pinoy na pinaniniwalaan nilang mas patok pa rin sa panlasa ng masang Pilipino. Hanggang sa ngayon, ang Jollibee ay patuloy na lumalaki bilang isang kumpanya at maging pati mga foreigners ay kilala na rin ito. 

Sa ngayon, hindi lamang ang Jollibee ang naging matagumpay na negosyo. Sa mga fast food restaurants at iba ang negosyong  hawak ng Jollibee Foods Corporation (JFC), ilan sa mga naging matagumpay din ay ang Greenwich, Chowking, Delifrance, at ang bagong nakuha na Red Ribbon. Nang dahil sa Jollibee, naging posible ang lahat ng ito para sa negosyanteng si Tony Tan Caktiong. Sa kasalukuyan ay nakuha na rin ito ang buong pamamahala sa Mang Inasal, na dating pagmamay-ari ng pinakabatang billionaire na si Injap Sia. Katunayan si Caktiong ay siyang itinuturing ni Sia na kanyang mentor sa pagnenegosyo at naging magkatuwang din sila sa ilan pang mga negosyo. 

Ang istorya ng tagumpay ni Tony Caktiong ay talaga namang kahanga-hanga at inspiring hindi lamang para sa mga taong gustong magnegosyo o may negosyo kundi pati na rin sa mga ordinaryong tao na nagnanais umangat sa buhay. 

Pinapatunayan sa atin ng  buhay ni Caktiong ang kahalagahan ng pamilya at ang pagtutulungan upang makamit ang isang bagay na talagang minimithi. Hindi rin dapat kaligtaan ang magbahagi sa iba at marunong magpakumbaba at magpasalamat sa mga taong kailangan mo bigyan nito. 

 

Ang dedikasyon na ibinuhos niya sa kanyang negosyo, ang kumpiyansa na ipinakita niya sa kanyang pagpapatakbo ng kanyang sinimulang negosyo ay talaga namang kahanga-hanga. Bilang resulta, nakatanggap siya ng iba’t-bang parangal at pagkilala gaya na lamang ng Man of the Year Management noong 2002, Agora Award for Outstanding Marketing Achievement, Triple A Alumni Award for the Asian Institute of Management, at Ten Outstanding Young Men Award for Entrepreneurship.  

Sa kabila ng mga nakamit na ito, nanatiling isang mapagpakumbabang tao si Tony. Ang Jollibee ngayon ay naging bahagi na ng buhay ng napakaraming Pilipino saan mang panig ng mundo. Sa ngayon ay mahigit na sa isang libo ang kanyang mga store nationwide at may  174 stores na sa labas ng bansa. Itinuturing din siyang isa sa pinakamayayamang tao sa bansa kung saan siya ay ika-9 na may net worth na $2.4 Billion.

 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61edb5ae71463
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro