Ang Kwento ng Tagumpay Ng Paborito Naten na Zesto Drinks

“Credibility is built, not given. Respect is earned, not bought” – Alfredo Yao

Ito ang salitang mula sa isa sa pinaka respetadong negosyante sa bansa na si Alfredo Yao. Sa pamamagitan ng pagsusumikap, pagiging totoo sa salita at sa gawa, at pagiging resilient sa buhay ay nagawa niyang makamit ang mga hangarin sa buhay. 

Narito ang istorya ng tagumpay ng isa sa pinaka resilient na negosyante sa Pilipinas, na itinayo ang kanyang legacy sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga, katatagan ng loob, at diskarte sa buhay. 

Kilalanin natin si Alfredo Yao, ang successful businessman sa likod ng tagumpay ng Zest-O. 

Naaalala mo pa ba kung ano ang madalas mo na baon noong ika’y estudyante pa lamang? Marahil ay kung tatanungin mo ang mga millennial ay maaalala pa nila ang kadalasang laman ng kanilang mga lunch boxes. Kung di tayo nagkakamali, palagi itong may kasamang juice. 

At kung juice man lang ang pag-uusapan, isang brand ang nanatiling sikat sa mga Pilipino mula noon hanggang ngayon. Ito ay walang iba kundi ang Zest- O. 

Ngunit bago paman ang brand na Zest-O ay nakilala bilang pambansang juice ng Pilipinas, ang panimula ng successful business na ito ay isang napakagandang kapupulutan ng aral ng mga entrepreneur at mga may-ari ng small business. 

Paano nga ba naging isa sa pinakamalaking tatak ng juice ng bansa, at matatagpuan sa halos bawat lunchbox ng bawat bata na pumapasok sa paaralan? 

From Street Vendor to Becoming the Juice King 

Ang kahirapan ay hindi kailanman hadlang upang maging matagumpay – ito ang naging mantra sa buhay ng self-made na negosyante na si Alfredo Yao. 

Ipinanganak si Alfredo M. Yao bilang panganay sa isang simpleng pamilya noong Nobyembre 23, 1943. Para kay Alfredo Yao, ang kanyang success story ay nagsimula pa noong siya ay nasa murang edad pa lamang na 13. Kung ang ibang mga bata na kanyang kaedad noon ay malayang nakakapaglaro at nag-aaral lamang, ang batang Alfred naman ay nagsimula ng magbanat ng buto at tumayong ama sa kanyang limang kapatid bunga ng pagpanaw ng kanyang ama noong siya ay 12 years old pa lamang. 

Bilang panganay, siya ang sumalo sa naiwang responsibilidad ng kanyang ama sa kanyang pamilya. Bagama’t bata pa rin, natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa at napilitan siyang iwanan ang pagkabata at imulat ang sarili sa pagbabanat ng buto. Dahil dito, maagang namulat ang kanyang kaisipan sa tunay na mga hamon ng buhay.

Ang kanyang ina ay isang sidewalk vendor, at dahil hindi sapat ang sahod sa pagtitinda ng kanyang ina para suportahan silang lahat magkakapatid, sumabak si Alfredo sa iba’t ibang raket  upang makatulong sa pantustos ng kanyang pamilya. Dahil sa hirap ng buhay at kakulangan ng pinansyal, muntik nang hindi makapagtapos si Alfredo sa kanyang pag-aaral. Sa tulong ng ilang mga relatives, siya ay nakapagtapos ng hanggang High School. 

Noong siya ay nasa kolehiyo, napilitan siya huminto sa kadahilanang hindi nila kayang masustena ang pag-aaral niya at hindi rin na sapat ang kanyang kinikita mula sa kanyang mga sideline para ipagpatuloy ang kanyang pagka kolehiyo noon sa Mapua Institute of Technology. 

Kahit na hindi nakapagtapos ng pag-aaral, hindi ito tumigil sa pagsisikap na maabot nito ang pangarapa para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Naghanap siya ng mas magandang oportunidad para kumita at sa tulong nga kanyang pinsan ay nakapagtrabaho siya sa isang printing press. 

Sa kanyang trabaho ay nadiskubre niya ang malaking potensyal ng industriya ng printing press. Inaral niya ang proseso ng Negosyo at kung anuman ang maaari niyang matutunan sa pagpapalakas nito. Kalaunan ay sa edad na 17 anyos pa lamang ay itinayo niya ang kanyang sariling printing press gamit ang kanyang savings mula sa kanyang mga raket at sa loan nitong Php 3,000 sa bangko.

Bago pa man siya naging isang ganap na negosyante, dumaan siya sa iba’t-ibang klase ng trabaho mula sa pagiging street vendor na minsan ay nakakatulog pa siya sa kariton sa kalsada hanggang sa ito’y makakita ng mga mas magandang oportunidad na nagbukas sa kanya ng pinto patungo sa pagnenegosyo. 

Dahil sa naging abala siya sa pagpapatakbo ng negosyo simula noong naging full-time entrepreneur siya sa edad na 18, hindi na niya natapos ang kanyang pag-aaral. Tinawag niya itong Solemar Commercial Press na siyang pinangalan niya sa kanyang ina. Ang negosyong ito ay tumagal ng mahigit dalawang dekada mula 1959 hanggang 1979. 

The Beginning of Zest-O

Sa ilang taon na pinatakbo ni Alfredo ang kanyang printing press ay unti-unti na din na guminhawa ang kanilang buhay ng kanyang maganak. Noong taong 1979, habang siya ay nag-explore sa Europe para sa business appointment, nadiskubre niya ang mga bagong imbento na mga doybacks. Eto yung mga packaging na gawa sa plastic bag at aluminum na dinesenyo upang tumayo ng di hinahawakan. 

Dahil sa ang negosyo naman niya ay in line din sa paggawa ng ganitong klaseng produkto, sinubukan niyang magmanufacture ng doypacks at ipinakilala sa iba’t-ibang juice manufacturer companies. Sa kasamaang palad, walang kumpanya ang nais gumamit ng bagong packaging na ito. 

Imbis na ipilit niya ang kanyang produkto sa iba, naisip na lamang niya na magsimula na lamang mismo ng sarili niyang juice manufacturing business. Dahil sa nakitaan niya ng malaking potensyal ang packaging na ito, hindi niya hinayaan na masayang ang ideyang ito. Makalipas ang isang taon, ginawa niya ang kanyang sariling juice product mula sa sarili niya kusina at nang makuha niya ang tamang formula dito ay kanya nang nai launch ang Zest-O Orange na siyang unang produkto na ginamit niya ng doypack bilang packaging nito. 

Agad naman itong tinanggap ng mga consumers lalo na ng mga ina dahil sa praktikal itong ipambaon sa kanila mga anak. Dahil sa ito’y magaan, at tightly-packed, maayos nila itong nalalagay sa mga lunchbox ng kanilang mga anak at nailalagay kahit saan nang di natatapos. Ito ay convenient dalhin at naiinom din ng mga bata ang orange juice nang malamig hanggang as recess time. 

Ang maganda pa dito sa mga doy packs na ito ay pwede rin itong irecycle na maaaring gawing handbags na pwedeng mapagkakakitaan, at maaaring iexport. Dahil sa malaki ang impact nito sa market at may pakinabang din sa kapaligiran, maging sa kabuhayan ng mga tao ang kanilang produkto, nakilala ang Zest-O sa industriya at naging leading juice drink brand sa bansa. 

Sa kasalukuyan, ang Zest-O products ay mayroon ng 12 na variants. Mula sa doy pouch, nakasilid na rin ang mga produkto a iba’t ibang klase ng packaging gaya na lamang, PET bottle at  aluminum cans. Nagventure nadin ang brand sa iba pang produkto gay ana lamang ng powdered juice drink, carbonated drinks, dairy products at iba pa. 

Hawak na ngayon ng Zest-O ang 80% sa market pagdating sa mga fruit juice drinks. Maliban dito sa Pilipinas, ang produkto ng Zest-O ay nakaabot na sa iba’t-ibang bansa gaya ng Australia, China, Korea, New Zealand, Singapore, Europe, at U.S. 

The Juice King Today 

Habang tinatamasa na ni Alfredo Yao ang tagumpay nito bilang isang businessman sa kanyang beverage company na Zest-O Corporation, muli siyang naghanap ng iba pang potential investments. Noong 2008, itinayo niya ang Zest Airways na naging kasabayang ng Air Philippines at Cebu Pacific Air na siyang mga airline companies na nangunguna noon. Layunin ng kumpanya na ito na mabigyan ng iba at murang aleternatibo ng paglabas ng bansa ng mga tao. 

Kalaunan ay ang Zest Airways ay nakilala bilang kauna-unahang airline company na nakapagoffer ng mga local flights ng mga turistang galling China at Korea papunta direkta sa iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas nang di na dumadaan sa NAIA. At noong taong 2016, ang Zest Airways ay tuluyan ng nakipag sanib sa AirAsia at ito na ngayon ay naging AirAsia Zest. 

Si Alfredo Yao ay ang founder at chairman ng ilan sa mga malalaking kumpanya ng bansa gaya na lamang ng Zest-O Group at Zest-O Corporation, Macay Holdings, Inc. na parent company ng ARC Refreshments Corporation (RC Cola), at ng Philippine Business Bank, isang banko para sa mga small ang medium enterprises (SMEs). Mula rito, marami pang ibang kumpanya ang nasa ilalim ng pamamahala ng Yao Group of Companies mula sa food manufacturing hanggang sa hotel and restaurant industry. 

Credibility, Hard Work, and Fairness 

Malayo na nga ang narating ni Alfredo Yao sa buhay. Mula sa isang street vendor at raketero sa murang edad, hanggang sa siya ay naging isang successful na negosyante, ang kanyang determinasyon at pagsisikap sa buhay ay talaga naming dapat pamarisan. 

Isa sa mga values na tunay niyang pinanghahawakan ay ang kanyang credibilidad. Ika nga sa kanya: 

 “Credibility is built, not given. Respect is earned, not bought” – Alfredo Yao

Maging totoo sa iyong salita. Pag sinabi mo gawin mo. Noon, kapag sinabi niya na gagawin niya ang isang bagay ay humahanap at humahanap siya ng paraan upang maibalik at matupad ang kanyang ipinangako sa iba at sa sarili. Dito niya nakuha ang respeto at pagtitiwala na kanyang nakamit mula noon hanggang ngayon sa kung ano ang kanyang ginagawa sa buhay. Ito ang mga katangian na kailanman ay hindi nabibili ng isang negosyante kahit na gaano karami ang pera nito. 

Ang lahat ng bagay ay makakamit kapag paghihirapan mo at kung ikaw ay determinadong makamit ito. Sa kanyang determinasyon, kinaya niyang maisakatuparan ang kanyang pangarap at nagkamit pa ng mas higit pa sa kanyang naisip. Isang mahalagang aral sa buhay para kay Alfredo Yao ay magsikap lamang at huwag mawalan ng pag-asa.

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61ed30daf004d
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro