Ang Kwento ng Tagumpay ng Pinakasikat ng Mansanas: Steve Jobs Success Story

Kapag naririnig natin ang pangalan na Steve Jobs, isa lamang ang agad na dadapo sa ating isipan — ang Apple. 

Pagdating sa mga makabagong teknolohiya partikular sa mga smart gadgets, ang Apple ang siyang nangunguna bilang pinakamalaking technological circuit sa buong mundo. Dahil sa angking disenyo at kamangha-manghang teknolohiya na gamit ng Apple, kakaunti lamang ang kakumpitensya nito. 

Ang tao sa likod ng paglaki at tagumpay ng kumpanya ay si Steve Jobs. Sa kanyang pamumuno sa kumpanya, nagawa nitong matapatan noon at maungusan ang dating itinuring na Hari ng mga Cellphone noong mga 2000s —- ang Nokia. Sa ilalim ng kanyang patnubay, ang Apple ay nagsimulang gumawa ng mga rebolusyonaryong teknolohiya kung saan ang iPhone, iPad, iMac ang iilan lamang sa mga pinakatanyag nilang produkto. Dahil sa tagumpay na tinatamasa ng kumpanya, ang mga produkto nito ngayon mula sa mobile phones, laptops, at iba pang smart gadgets na may simbolo ng puting mansanas na may kagat ay naging simbolo narin ng economical status sa kasalukuyang henerasyon. 

Si Steve Jobs ay itinuturing na isa sa mga Greatest Entrepreneurs of All Time at nagsilbing inspirasyon sa napakaraming tao hindi lamang sa kapwa nitong negosyante kundi para na rin sa napakaraming ordinaryong tao na nagnanais na magtagumpay rin sa buhay. 

Bagama’t matalino, bago pa man niya narrating ang kanyang tagumpay na sinimulan niya sa  Apple Inc., siya ay tila ba wala itong klarong direksyon sa kanyang buhay simula noong bata pa. Siya ay isang college dropout na nagsimulang mag eksperimento sa iba’t-ibang industriya bago pa man niya sinimulan ang Apple kasama ang kanyang co-founder na kapangalan niya rin— si Steve Wozniak noong 1976.

Ang kuwento ni Steve Jobs ay natatangi. Marami rin siyang karanasan sa buhay simula noong siya ay naging co-founder ng sikat na kumpanya na Apple hanggang sa lisanin niya ito at muling bumalik, tila ay napaka kulay ng buhay nito bago pa man siya pumanaw sa edad na 56 years old.

Narito ang istorya ng tagumpay ni Steve Jobs, ang Co-founder, Chairman, and CEO of Apple Inc., ang tao na nagpabago sa takbo ng teknolohiya magpakailanman. Ang kanyang iniwang legacy ay walang katulad at mahirap ungusan ng sinuman sa industriya . 

Early Life of Steve Jobs

Isinilang si Jobs noong February 24, 1955, sa San Francisco, California. Noong sanggol pa lamang siya, ay agad siyang pinaampon ng kanyang tunay na mga magulang sa kadahilanang mga bata pa ang ito at pawang mga immigrants na di pa kaya na bumuhay ng anak. Kalaunan ay inampon siya ng mag asawang sina Paul at Clara Jobs at sila ay nanirahan sa Mountain View, California na ngayon ay kilala bilang Silicon Valley.

Bata pa lamang, si Jobs at ang kanyang ama ay madalas ng nagtatrabaho ng iba’t ibang klase ng mga electronic equipment sa kanilang garahe. Ang kanyang ama ang siyang nagmulat sa kanya sa mundo ng electronics kung saan siya ay natutong kumalikot at magkumpuni ng iba’t-ibang kagamitan. Simula noon ay kinahihiligan na niya ang kahit anong may kaugnayan sa electronics at computer. Ang gawain din na ito ang kanyang naging hobby na siyang nagbibigay sa kanya ng kumpyansa sa sarili at talagang masasabi niya na ito ang aspeto kung saan siya magaling. 

Sinasabi ng marami na si Steve Jobs ay hindi pinanganak na pangkaraniwan. Siya ay ipinanganak na henyo—isang Child Prodigy. Katunayan ay noong siya ay 12 years old pa lamang ay tumawag ang batang Steve kay Bill Hewlett na siyang founder ng HP at nagtanong kaugnay sa computer. Dahil natuwa at namangha ito kay Steve, inalok pa niya si Jobs ng summer internship sa kanyang kumpanya. 

Bata pa lang ay nakitaan na siya ng katalinuhan at napatunayan ito noong siya ay nag-aral. Siya ay isang innovative thinker ngunit nang siya ay nagkaroon na ng formal schooling. Hindi ito masyadong nagustuhan ni Jobs at samakatuwid ay nababagot siyang mag-aral. Kahit na hindi pala aral sa eskwelahan, magaling niyang napapasa ang kanyang mga exam kaya naman ay gusto sana ng kanyang eskwelahan na lumaktaw siya sa high school ngunit ito’y tinanggihan ng kanyang mga magulang. 

Simula kabataan ni Jobs ay natural na matalino ito ngunit walang nakikitang direksyon sa buhay. Nag-aral si Steve ng kolehiyo sa sa Oregon ngunit kalaunan din ay tumigil sa pag-aaral. Ang tanging klase na kanyang nagustuhan ay Calligraphy ngunit natigil din ito sa paghinto niya sa kolehiyo. 

Una siyang nag trabaho bilang isang video game designer sa Atari. Nakalaan ang ilang taon, mula sa naipon niyang pera sa kanyang trabaho, ay bumiyahe siya patungong India kasama ang kanyang kaibigan para magkaroon ng spiritual enlightenment. Ilang taon ang lumipas, nagkaroon na nga siya ng career breakthrough nang makilala niya si Steve Wozniak na kanyang naging partner sa pagsisimula na ngayong biggest IT company sa mundo, ang Apple Inc. 

The Beginning of Apple Revolution 

Mula sa isang summer internship ay nagkakilala sina Steve Jobs at Steve Wozniak. Pareho silang mahilig sa kahit anong kaugnay sa electronics at computer kaya naman ang partnership nila ay naging matagumpay.

Noong 1976, sinimulan ni Jobs at Wozniak ang kanilang kumpanya na tinawag pa nila noong Apple Computer kung saan ang kanilang headquarters ay ang garahe mismo ng pamilya Jobs. Bilang panimulang funding ng kanilang kumpanya, binenta ni Jobs ang kanyang Volkswagen na bus at ipinagbili naman ni Wozniak ang kanyang scientific calculator. 

Dahil sa mga imbensyon nila Jobs at Wozniak, nakilala ang kanilang kumpanya dahil sa rebolusyonaryong kontribusyon nito sa industriya ng computer kung saan kanilang napamura, napaliit at naging mas convenient at madali ang paggamit ng mga makina para sa pang araw-araw na paggamit ng mga consumers. 

Bilang produkto ng kanilang kumpanya, nagproduce sila ng mga user-friendly personal computers (PC) sa pangunguna ni Wozniak, habang si Jobs naman ang in charge sa marketing sector ng kumpanya.  Una nilang inilabas sa publiko ang Apple I na nagkaroon ng sales na umabot sa $774,000 at matapos ang tatlong taon ay sunod naman nilang inilabas ang pangalawang model nito na Apple II na naging mabenta rin sa publiko. 

Noong 1980, lumaki ang value ng mga produkto ng Apple. Kalaunan, si John Sculley ng Pepsi-Cola ang inatasan ni Jobs na maging CEO ng Apple. Sa kasamaang palad ang mga sumunod na mga produkto ng Apple ay nagkaroon ng negatibong opinyon mula sa mga consumers dahil sa ibang kapalpakan sa mga produkto. Ito ang naging dahilan upang maungusan ang Apple ng IBM. Pilit nilang iniayos ang kanilang mga produkto ngunit di parin nito magawang pantayan ang gawa ng IBM.

Noong 1985, iniwan ni Steve Jobs ang kumpanyang sinimulan nito sa kadahilanang hindi na niya maramdaman na hawak pa nito ang kanyang kumpanya. 

Jobs Left Apple: Moving on with NeXT 

Matapos niya lumisan sa Apple, nagsimula siya ng panibagong software enterprise na tinawag niyang NeXT noong 1986. Kasabay ng pagpapalaki niya dito, binili rin ni Steve ang isang animation company  na Pixar Animation Studios mula kay George Lucas kung saan nilagay niya sa kumpanya ang kanyang sariling pera na nagkakahalaga ng $50 million sa kumpanya. Naging sikat ang animation brand nito sa paggawa ng mga iconic animation films tulad ng Finding Nemo, Toy Story, at The Incredibles na kumita ng malaki para sa kumpanya. 

Dahil sa hindi na masyadong natututukan ni Jobs ang NeXT, nagdesisyon siya na ipagbili ang kumpanya sa Apple noong 1996 sa halagang $429 million. Nang sumunod na taon ay bumalik siya sa Apple kasabay ang bago nitong management team. Simula nang bumalik ito bilang CEO ng Apple ay unti-unti nang bumalik ang takbo ng kumpanya sa ayos at umusbong pa ito. Ang mga produkto nito tulad ng iMac ay nagkaroon ng positibong pagtanggap sa publiko at nagsunod-sunod na ito sa paglabas ng mga rebolusyonaryong produkto gaya na lamang ng Macbook Air, iPod, at iba’t-ibang unit ng iPhone. Dahil sa teknolohiya at disenyo ng mga produkto ng Apple, nahirapan ang mga competitors nito na tapatan ang kayang gawin ng Apple.

Steve Jobs on Battling Cancer

Sa kasamaang palad, nadiagnose si Jobs na may Pancreatic Cancer. Naoperahan siya at naalis ang tumor. Dahil sa cancer, mas lumaki pa ang kanyang determinasyon na mas mapabuti pa ang kumpanya at ang kanilang mga produkto. Mabilis na lumaki ang Apple sa pamamagitan ng sunod-sunod na paglabas ng iba’t-ibang bersyon ng kanilang gadgets. Mula sa iba’t-ibang bersyon ng MacbookAir hanggang sa mga iPhones, ang produkto ng Apple ay inaabangan ng mga consumers maging sa panahon ngayon. Mas dumami pa ang kanilang mga produkto kung saan nag release na din ang Apple ng ibang kagamitan gaya ng Apple Watch, Airpods, iPad, at iba pang smart devices. 

Sa kasawiang palad, binawian ng buhay si Steve Jobs sa edad na 56 years old. Kahit na naging maikli ang buhay ni  Jobs, nagpatuloy naman ang legacy nito at ang kumpanya na sinimulan niya bilang produkto ng kanyang passion ay patuloy pa ring namamayagpag sa larangan ng teknolohiya. 

A Lesson from Steve

Find your true passion. Do what you love to do, then make a difference. 

Minsan, ang buhay ay sadyang puno ng pagsubok. Tayong lahat ay naghahanap ng ating lugar sa mundo sa pamamagitan ng pagsubok na  makamit  ang mithiin natin sa buhay. Sa buhay natin, kinakailangan mong matuklasan kung ano talaga ang gusto mong gawin na siyang ikasasaya at ikagaganda ng buhay mo. Ito madalas ang dahilan kung bakit nagsisikap ang isang tao na magtrabaho. 

Ang trabaho, unang-una, ang siyang magpupuno ng malaking parte ng ating buhay kaya naman importante na gusto mo ang ginagawa mo o kaya naman ay matututunan mong mahalin ito. Ang trabaho natin ang siyang magpupuno ng malaking parte ng ating buhay kaya naman ang tanging paraan upang tayo ay maging kuntento ay ang magagawa natin kung ano sa tingin natin ay mahusay. At ang tanging paraan upang makagawa ng mahusay na bagay ay kung gusto mo ang ginagawa mo. 

Kaya naman, kung hindi mo pa nahahanap kung ano sa tingin mo ang gawain na gusto mong gawin sa buhay mo, panatilihin ang paghahanap hanggang sa makita mo ito. Don’t settle ika nga. Tulad ng lahat ng mga bagay sa puso, malalaman mo kapag nahanap mo ito. Ang pagsisikap at kahusayan ay magiging mas madali kung mahal mo ang iyong ginagawa. Sabayan mo pa ito ng dedikasyon sa trabaho, ito ay magiging mas mahusay sa paglipas ng panahon. 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61f3e286b89c9
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro