Ang Pagbagsak ng Hari ng mga Cellphone

Bago pa man ang ating mga telepono ay nagkaroon ng mga apps, touchscreen, at camera, isang brand mula sa Finland ang nanguna sa rebolusyon ng mobile phones. 

Para sa maraming tao, ang Nokia ang kanilang unang telepono— lalo na sa mga batang 90s. 

Sa loob ng isang dekada, ang Nokia ang nanguna pagdating sa mga wireless na telepono sa buong mundo. Kilala para sa kanilang disenyo at long-lasting battery, nakuha nito ang merkado sa pamamagitan ng pagmarket ng kanilang mobile phone bilang isang fashion accessory. 

Noong 1998, tuluyan na nitong naungusan ang Motorola bilang pinakamalaking brand ng mobile phone sa buong mundo hanggang sa noong 2013 nang tuluyan itong naglaho sa market. 

Bilang isang brand na naging isa sa pinakasikat sa buong mundo na naging daan upang mas mapaganda pa ang paraan ng pakikipag usap ng mga tao gamit ang technology, laking gulat para sa buong mundo ang biglaang pagbagsak nito matapos lamang ang mahigit isang dekada. 

Laking usap-usapan ang dahilan kung bakit nga ba tuluyang umabot sa Finish Line ang Finnish company na Nokia. Ano ang mga kadahilanan kung bakit ito biglang nawala sa market sa kasagsagan ng mobile phone revolution. 

Also Read: Bakit Madaming Negosyo ang Mabilis na Malugi 

Ayon sa mga eksperto at mga tagamasid, maaari umanong maipaliwanag ang pagbagsak ng Nokia sa tatlong kadahilanan:

1. Nabigo ang Nokia na makipagsabayan sa mga karibal nitong mobile brands. 

Sa isang dekada na nanguna ang Nokia sa larangan ng mobile phones, marami na din itong mga kasabayan na nag uunahan rin pagdating sa teknolohiya ng komunikasyon. Ang paggawa ng hardware ng mobile phones ay talaga namang isang malaking hakbang sa teknolohiya kung saan nanguna ang Nokia, ngunit habang patuloy and advancement sa modern mobile phone industry, hindi uubra ang ganda ng hardware nito kung wala itong mahusay na software. 

Ang operating system ng Nokia ay tinawag na Symbian na kung saan ito ay isang device-based samantalang ang mga iOS at Android naman na gamit ng Apple at iba pa nitong rival brands ay mga app-based na siyang laganap ngayon sa industriya ng telepono. Nang napagtanto ng Nokia na nasa mali silang direksyon ay huli na ito at nahirapan ang device-centric nitong OS na Symbian na sumabay sa app-centric OS na pinangunahan ng Apple. Mas malala pa nito ay hindi compatible ang bersyon ng operating system  sa ibang mga modelo ng telepono. 

Habang ang Nokia ay nasa tuktok pa ng kanilang tinatamasa na tagumpay hanggang mga late 2000s, ang mga sumunod na taon kung kailan naging mabilis ang pagbabago sa mobile phone industry ay naging challenging para sa Nokia. Nahirapan ang management nito na makahanap ng tamang response sa isang fast-changing environment ng mobile technology. Unti-unting nanguna ang Software bilang isang kritikal na feature ng mga cellphones. Dahil sa nanatili ang focus ng Nokia sa hardware at device-based system nito, hirap na itong makipagsabayan dito. Kasabay din nito ay naging kritikal na rin ang applications sa mga bagong modelo ng cellphone, isang aspeto na hindi dominante ang Nokia.

Di naglaon, noong 2010, ang mga limitasyon ng Symbian ay naging mas visible dahil tuluyan na nga na naagaw ng Apple ang trono dahil sa nagawa nitong pangunahan ang shift patungo sa application-based mobile technology. 

Nang pumasok na ang Google sa merkado noong 2008, marami na rin na competitors and nakisali sa Android bilang OS (operating system) gaya na lamang ng Samsung, Huawei, at Motorola. Habang ang mga competitors na ito ng Nokia ay napapakinabangan na ang pagtaas ng demand at shares nila sa market, hindi pa rin nagpatinag ang Nokia at nagpaiwan pa rin ito sa kasalukuyang trend noon. 

Taong 2011 ay nagpasya na rin ang Nokia na sumugal, ngunit di pa rin ito sumabay sa Android. Sa halip ay nakipag partner sila sa Microsoft para ilaunch ang Windows Phone na kung saan ang OS ng Nokia ang gamit nito. Hindi ito naging magandang hakbang para sa kumpanya dahil nahinto din ang pagproduce ng Windows Phone na naging dahilan ng unti-unting pagkalugi ng Nokia. At noong taong 2014 ay tuluyan na rin na bumigay ang Nokia at nagpalit na rin ng OS na Android. Sa pag-aakala na masasalba nito ang nakasanayang posisyon sa market, di rin ito nagtagumpay dahil huli na ang lahat. Napag iwanan na ito ng mga fast-advancing mobile phone companies sa industriya.

2. Di maayos na pamamalakad sa organisasyon. 

Ang organisasyon ng Nokia ay pinatakbo hanggang sa unang bahagi ng 2000 sa pamamagitan ng isang hierarchical na organisasyon.  Ngunit noong 2004 ay nagpasiya ang mga executive nito na mag reorganize ng pamamahala na kalaunan ay nagkaroon ng isang matrix structure na naging simula ng malaking pagbabago sa takbo ng pamamahala nito.

Sa muling pagsasaayos, nagsimulang umusbong ang mga internal na hidwaan. Kahit pa maganda ang takbo ng sales ng kumpanya at ang shares nito sa market maging ang customer base nito sa buong mundo ay stable, nagkaroon ng pangamba ang dating CEO nito na si Jorma Ollila na ang mabilis na paglaki ng kumpanya ay magkakaroon ng malaking epekto sa entrepreneurialism ng organisasyon. 

Isa sa mga disadvantages ng isang matrix na structure ay ang pagkakaroon ng ilang mga managers ng may pareho at pantay na awtoridad na siyang dahilan ng pagkakaroon ng power struggle. Kaya naman marami rin na mga desisyon na hindi gaanong puma pabor sa istraktura ng kumpanya. Dahil dito maraming mga importanteng executive members ang umalis sa kumpanya na siyang isa sa matinding dahilan ng kawalan ng strategic thinking ng organisasyon. 

Habang ang Nokia ay abala sa pagsasaayos ng kanilang mga internal conflict, ang Apple naman na pinamamahalaan ng makilatis na si Steve Jobs ay unti-unting umakyat sa tuktok ng merkado dahil sa disenyo, branding, maging sa execution nito sa merkado ng mobile technology. Mula 2004, ang pamamahala sa Nokia ay di na gaanong nakakasabay sa takbo ng pagbabago sa industriya. Naging isang malaking dahilan ito upang unti-unting mapag iwanan ang Nokia sa mga kasabayan nito sa industriya.

3. Kawalan ng vision sa hinaharap. 

Tila ba ay nabulag ang Nokia sa tagumpay na tinatamasa nito noon at masyado itong naging kampante sa estado ng kanilang kumpanya sa merkado. Dahil dito, hindi nila nakita ang malaking potensyal na naghihintay sana sa kanila kung naging bukas lamang sila sa pagbabago sa teknolohiya at industriya. Bilang pinakamalaking mobile phone company sa mundo, nabigo silang makisabay sa pag usbong ng smartphones. 

Ika-nga sa isang kasabihan, “The first to arrive, makes the rules.” Ito ang advantage  ng first-mover. Sa halip na maging bukas sa bagong trends sa pamamagitan ng pagimpose sana ng pagbabago simula sa OS nila, nag focus lamang ang Nokia sa paggawa ng matibay, abot-kaya, at tradisyunal na mga cellular phones na siyang di akma sa gusto ng mga consumers. Dahil dito, sa paglabas ng ibang klase ng modelo ng iPhone, ay tuluyan na nga nitong napaalis sa pedestal ang Nokia sa tuktok ng industriya ng mobile phones. 

Ano ang mapupulot natin na aral mula sa storya ng Nokia? 

Sa pagbagsak ng Nokia ay marami tayong mapupulot na praktikal na mga aral sa negosyo na dapat nating bigyan ng pansin lalo na kung magpa-patakbo ng isang negosyo. 

Una, hindi natin maiiwasan ang magkaroon ng internal conflict lalo na sa malalaking kumpanya. 

Malaki ang kinalaman ng istruktura ng pamamalakad ng isang kumpanya sa tagumpay at pagguho ng isang negosyo at kahit ano pang organisasyon. Kaya naman mahalaga ang magkaroon ng effective at efficient at effective na liderato sa isang kumpanya. Kailangan din ng maayos na structure sa pamamahala nang sa ganun ay may klaro na distribusyon ng awtoridad at maiwasan ang sapawan sa pamamahala. 

Pangalawa, importante ang makisabay sa pagbabago. 

Ang mga customers ay laging naghahanap ng bago sa merkado. Kung di ka makakasabay, maghahanap sila ng iba na nagbibigay ng kung ano ang kailangan nila. Sa madaling salita, kung di ka maging bukas sa pagbabago ay mapag iiwanan ka. 

Importante ang tingnan ang pangangailangan ng mga consumers dahil sila ang makapagsasabi sa iyo kung ano ang susunod na dapat mong ilabas ng produkto.

Pangatlo, maging bukas sa bagong ideya. 

Maging bukas sa mga bagong ideya sa market. Ika-nga sa isang popular na kasabihan, “The only constant thing in the world is CHANGE.” Nagbabago ang takbo ng mga bagay-bagay sa mundo. Upang ikaw ay tumagal sa industriya, kailangan mo na patuloy na mag isip ng ideya nang sa ganu ay makasabay ka sa pagbabago. Aktibong subaybayan ang mga hilig ng consumers dahil sila ang magdidikta ng iyong tagumpay at kabiguan sa negosyo. Isa man itong cliche’, pero palaging tama ang customer. 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61ec4b0322603
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro