Mga Gintong Aral sa Negosyo Mula sa mga Successful Pinoys    

Sa paglipas panahon, marahil ay marami-rami na rin tayong narinig tungkol sa ilang matagumpay na negosyante at ang kanilang mga kwento ng pag-angat sa buhay— kung paano sila nagsimula sa ibaba hanggang sa sila ay makarating sa taas.

Kadalasan sa kanila ay nagsimula muna sa maliit na kalaunan din ay naging daan upang makabuo sila ng sarili nilang emperyo, na maituturing natin ngayon na mga kilalang tatak sa iba’t-ibang industriya. 

Mangarap ka at magsumikap upang matupad ang mga pangarap mo. Ika-nga ni Walt Disney, “If you can dream it, you can do it.

Bawat isa ay may kanya-kanyang istorya ng kanilang pag-angat sa buhay at pagtupad ng mga pangarap. Magkaiba man sila ng pinagdaanan sa buhay, sila naman ay pare-parehong dinala ng kanilang mga pangarap sa rurok ng kanilang tagumpay. Lalo na sa larangan ng pagnenegosyo, ang pag-unlad maging ang parangal na natanggap ng mga influential na negosyante na ito ay hindi nila naani sa isang iglap lamang. 

Sakripisyo, determinasyon, sipag at tiyaga, lakas ng loob, at panahon ang naging pinaka puhunan ng mga matagumpay na mga negosyante na ito mula sa simula.

Maganda na ituring ang kanilang mga istorya bilang inspirasyon upang mas magsumikap pa sa buhay. Narito ang mas maraming nakasi-sigla na kwento ng mga malalaking pangalan sa Pilipinas at ang mga gintong aral na maaari nating matutunan. Hayaan ang paglalakbay ng mga inspirasyonal na personalidad na mga ito ay nagsilbing inspirasyon at gabay para sa sinumang mangangahas na mangarap ng Malaki sa buhay. 

1 .“There is no such thing as overnight success or easy money. If you fail, do not be discouraged; try again.”  — Henry Sy, SM Group of Companies 

Ang kwento ni Henry Sy ay isa lamang sa napakaraming “rags to riches” na storya ng buhay ng isang businessman. Si Henry Sy ang nagtayo ng imperyo ng SM mula sa umpisa. Siya ay buhay na katibayan na ang tagumpay ay makakamit lamang sa pamamagitan ng purong pagsisikap at pagtitiyaga. 

Si Henry ay ipinanganak na mahirap. Isa ang kanyang pamilya sa mga maraming Chinese noon na nakipagsapalaran  sa Pilinas dahil sa matinding kahirapan. Si Henry at ang kanyang ama ay nagsimula ng isang maliit na sari-sari store upang may pantustos sila ng kanyang ama sa araw-araw. Ngunit noong World War II, nasunog ito na naging dahilan upang bumalik ang kanyang ama sa China. Hindi sumuko si Henry at matapos ang digmaan, sinimulan niya ang negosyo ng pagbili at pagbebenta ng iba’t-ibang kagamitan. 

Palagi siyang nakatuon sa kanyang hangarin na magtagumpay. Ginawa niya ang lahat na makakatulong sa kanya upang maibsan ang buhay at magsikap hanggang gabi. Hanggang sa nakahanap siya ng mga gumagawa ng sapatos, at sa kabila ng paghihirap niya at pagsubok, kanyang itinuloy ang kanyang vision sa negosyo, 

Ngayon, ang kanyang legacy ay nananatili na makikita at mararanasan sa pamamagitan ng pinakamalaking shopping malls sa bansa, and SM Malls. Bago pumanaw sa edad na 94, siya ang tinaguriang na pinakamayamang negosyante sa bansa. 

Base sa kwento ni Henry, importante ang persistence sa buhay. Kung alam mo ang gusto mo sa buhay, wag mo ito agad-agad na susukuan. Walang pangarap ang madaling maabot. Kung gaano katayog ang pangarap mo, ganun din ang sipag at determinasyon ang dapat kaya mong ialay para sa katuparan nito.

2.“We also had a goal: to take care of our customers and employees and to enjoy what we’re doing. Once we did all these things, the profits would come.” – Tony Tan, Jollibee

Si Tony Tan ay ang nagmamay-ari ng isa sa fastest-growing Asian restaurant sa buong mundo, and Jollibee. Bago pa man siya naging isa sa pinaka matagumpay na businessman sa bansa, ang kanyang tagumpay ay nagsimula muna mula sa pinakamababa bago paman ito nagsimula na umakyat sa tuktok.

Ang ama ni Tony ay isang cook sa isang Budistang temple sa Maynila na kalaunan ay nakabukas ng kanyang sariling restawran.  Gamit ang kanyang natutunan mula sa kanilang family business, ginamit niya ang kanyang karanasan upang patakbuhin ang negosyo at nagsimula siyang magbenta ng mga fries at pritong manok sa abot-kayang presyo.

Ang kanyang mga fast food outlet ay mabilis na naging pinakamalaking lokal na fast food chain ng bansa. At pagkatapos ng tagumpay nito, nakapag patayo si Tony ng iba pang mga chain ng restawran tulad ng Greenwich Pizza, Chowking, Red Ribbon, at iba pa. 

Para kay Tony, importante na pagtuunan ng pansin ang kung ano ang gusto ng iyong mga customers. Importante na ang iyong negosyo kahit na small business pa yan ay may malasakit sa iyong customer maging sa iyong mga empleyado dahil sila ang magdidikta sa kung ano pa ang maaari ibahagi ng iyong negosyo na siya ring mag didikta sa ikauunlad nito.

Mahalaga din na mahal at gusto mo ang ginagawa mo. Dahil ika-nga sa kasabihan, “When you do what you love, you’ll never work a day in your life.” 

3.“Hard work, perseverance and foresight, plus having the right people working with me to develop and sustain the business are key elements to my success.” –- Alfredo Yao, Zest-O Corporation

Sinimulan ni Alfredo Yao ang Zest-O Corporation sa pamamagitan ng purong determinasyon. Siya ay maagang namulat sa hirap ng buhay at responsibilidad para sa ibang tao dahil siya ang panganay sa kanyang 5 pang nakababatang kapatid. 

Siya ay isang self-made na negosyante na nabuhay sa paghihikahos. Kahit na hindi nakapagtapos ng pag-aaral, hindi ito tumigil sa pagsisikap na maabot nito ang pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Bago pa man siya naging isang ganap na negosyante, dumaan siya sa iba’t-ibang klase ng trabaho para matulungan ang sarili at pamilya. 

Mula sa pagpapatakbo ng isang printing press business, nauwi siya sa pagpapatakbo ng isang juice manufacturing company sa kadahilanang walang gustong tumanggap ng kanyang ideya patungkol sa paggamit ng doypack bilang packaging ng juice. Sinubukan niya mismo ito sa kanyang sariling negosyo na naging matagumpay kalaunan. Ito na ngayon ang Zest-O na naging isang pangalan na tumatak na sa sambayanan mula noon hanggang ngayon, dahil maraming mga pamilyang Pilipino ang tumatangkilik sa tatak ng juice sa loob ng maraming taon.

Patunay lamang ito na sa negosyo, kailangan mong pagkatiwalaan ang iyong sariling potensyal at gawin ang nararapat para sa ikakabuti nito nang di nanlalamang ng tao. Para kay Alfredo, mahalaga ang kredibilidad sa pagnenegosyo. Isa din itong importanteng katangian na dapat mayroon ang isang entrepreneur. Mahalaga ang maging totoo sa salita at lalong-lalo na sa gawa. 

4.“You have to adjust to the flow of business. If you’re not open to change, your business can’t move on.” —Socorro Ramos, National Book Store

Si Socorro Ramos ang babaeng nasa likod ng pinakamalaking bookstore chain sa Pilipinas, ang National Bookstore. Pagdating sa school supplies ang NBS o National Book Store ang pambansang takbuhan ng mga Pilipino. Itinayo niya ito kasama ng kanyang asawa dahil sa nakitaan niya ng potensyal ang pagbebenta ng mga libro at school supplies sa mga estudyante. 

Kalaunan, dahil sa pagkakaroon ng censorship sa mga libro at tabloids noon, humina ang kanilang negosyo at napunta sa pagbebenta ng mga kandila at sabon na siyang mabenta noon dahil sa digmaan. Matapos ang digmaan, nagkaroon ng economic boom sa bansa at isa ang NBS sa nakinabang nito kaya naman muli nilang nabuhay ang National Bookstore. 

Ngayon ay nananatiling nakatayo pa rin ang National Bookstore na ngayon ay may mahigit na 150 branches na sa buong bansa. 

Ayon kay Socorro, mahalaga para sa isang negosyante ang maging bukas sa pagbabago. Ang flow ng pagnenegosyo ay nagbabago-bago, kaya naman upang tumagal sa industriya, kinakailangan mong maging bukas sa mga bagong ideya at patuloy na mag isip kung ano ang mas napapanahon, kung ano ang kailangan at kakailanganin pa ng mga tao. 

 

Ilan lamang silang apat sa napakaraming matagumpay at kilalang negosyante sa Pilipinas na nagpapatunay na ang success ay hindi basta-bastang nakukuha. Bilang negosyante, kinakailangan mong maging bukas sa ideya na maaaring hindi ka rin magtagumpay sa landas na iyong tinatahak sa negosyo. Ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang panghinaan ka ng loob sa buhay at tumigil. 

Sabi nga nila, hindi para sa lahat ang pagnenegosyo. Ito ay dahil, hindi lahat ng pumapasok sa pagnenegosyo ang nakakayang dumaan sa pag lagapak. Bilang negosyante, dapat ay handa ka na magsimula mula sa ibaba ng sa ganun ay mas mapapangalagaan mo ang iyong negosyo pag nasa taas ka na. Matutong magpakumbaba at gawin mo ang tama nang di nakakaapekto ng iba. 

Ang mga kwentong ito ng tagumpay ay talaga namang nakakahimok  at nakahihikayat upang mainspire ang sinuman na nagnanais na maging matagumpay sa negosyo. Madaling isipin na magtatagumpay ka basta’t may pagsisikap ka, subalit aminin na natin, ito’y napakahirap gawin. Gayunpaman, dapat mong samahan ng pagsisikap, tamang mindset, determinasyon, at lalong- lalo na ang resilience kung saan ito ang kagustuhang tumayo sa bawat oras ng pagkadapa. 

Dahil para kanila Henry Sy, Tony Tan, Alfredo Yao, at Socorro Ramos, ang pagsuko sa hamon ng buhay ang pinakahuli sa kanilang isipan na gawin habang kanilang inaabot ang kanilang mga pangarap. 

 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61ef9e7fa829d
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro