Paano Naging Isang Billion-Dollar Business ang Starbucks

Likas sa ating mga Pinoy ang mahilig sa kape. Malamig man o mainit ang panahon, walang oras para sa ating mga Pinoy ang di tamang panahon para uminom ng kape. Kung mapapansin, kahit saang sulok ka magpunta, imposible na hindi ka makakita ng coffeeshop. 

Mahilig tayong makipag sosyalan. Maliban sa mahilig tayong kumain sa iba’t-ibang restawran sa tuwing makikipagkita tayo sa ating mga kaibigan o pamilya, mahilig tayong tumambay sa coffeeshop para uminom ng kape at magpalipas ng oras. 

Kapag pagkakape at pakikipag sosyalan na ang pinag-uusapan, hinding-hindi mawawala ang Starbucks na siyang tinaguriang pinakamalaking chain ng coffeeshop sa buong mundo. Kung bakit sikat ang Starbucks dito sa Pilipinas ay marahil dahil sa pangalan nito na siya pinakakilala sa mundo. Isa pang dahilan ay marahil sa napakalawak nitong menu ng iba’t ibang klaseng concoction ng mga kape sa kanilang menu at syempre ang kalidad ng kape nito. 

Kung tutuusin, kahit na may kamahalan ang mga kape ng Starbucks, patuloy pa rin itong tinatangkilik bilang isang coffee brand at coffee shop, at naging isang simbolo na rin ng karangyaan para sa ibang tao. 

Pero paano nga ba nagsimula at sino ang nasa likod ng tagumpay ng kumpanya? Yan ang pag-uusapan natin sa article na ito. 

Dahil sa hilig nating mga Pinoy sa kape, masasabi nating malaki ang market ng kape dito kaya naman maganda rin na magtayo ng coffee shop. Kung ikaw naman ay nagbabalak na magtayo ng sarili mong coffee shop, marahil ay mapulutan mo ng aral ang kwento ng tagumpay ng Starbucks na nagsimula bilang isang maliit at simpleng kapehan hanggang sa ito ay lumaki bilang isa billion-dollar na business. 

A Man of Vision: Howard D. Schultz, the CEO of Starbucks

Galing sa isang mahirap na pamilya ng isang working family si Howard D. Schultz, ang CEO at tao sa likod ng tagumpay ng Starbucks bago pa man nabago ang buhay niya  matapos maitaguyod niya ang kanyang kumpanya bilang pinakamalaking kumpanya ng coffee house sa buong mundo. 

Si Schultz ay ipinanganak noong 1953 sa Brooklyn, New York. Ang kanyang ama ay isang dating US Army Trooper na naging isang truck driver. Siya at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa isang low-income neighborhood. Noong kanyang kabataan ay nasaksihan niya kung paano ang kanyang ama ay hirap sa pagtatrabaho. Ang kanyang ama ay naaksidente noong siya ay 7 years old pa lamang kung saan napinsala ang paa nito na siyang mas nagpahirap pa sa kanyang pagtatrabaho. 

Dahil dito, unti-unting nawala ang respeto at dignidad ng kanyang ama sa kanyang sarili. Gawa ng nakikita niya ang hirap ng ama, ang nangyaring ito sa kanyang ama ay nagiwan ng lamat sa kanya. 

Sinikap ni Howard na siya ay makapag-aral. Noong siya ay nasa High School ay naglaro siya ng football na naging daan upang magkaroon siya ng athletic scholarship sa kolehiyo. Ngunit nang tumungtong na siya sa kolehiyo ay napgdesisyunan niya na hindi siya para sa football at pinili niyang mag-major ng Communications. Dahil sa nawalang scholarship, kumuha siya ng student loan, nagtrabaho bilang bartender, at nagbenta rin ng dugo para makapag bayad ng tuition. Nang makatapos ay nagtrabaho siya ng tatlong taon bilang salesman bago siya nagtrabaho sa kumpanya na nakapag-link sa kanya sa Starbucks. 

Schultz and Starbucks

Nakilala ni Schultz ang Starbucks dahil sa isa itong kliyente ng kanyang kumpanya kung saan sinusuplayan nila ito ng mga appliances gaya ng coffee machines. Naging interesado siya sa business ng Starbucks nang mapagtanto niya kung gaano kalaki itong negosyo. Lumuwas siya sa Seattle upang makipagugnayan sa may-ari nito na sina Gerald Baldwin at Gordon Bowker. 

Matapos ang isang taon, si Schultz ay naging Director or Retail Operations and Marketing ng Starbucks. Ito ay may tatlong stores pa lang noon. 

Isang trip sa Milan, Italy ang nagbigay ng magandang ideya kay Schultz tungkol sa business. Ito din ang nagpabago sa takbo ng karera ni Schultz at ng Starbucks. Habang naglilibot sa siyudad ay bumisita siya sa ilang mga coffeeshop kung saan napansin niya na tila malapit ang may-ari sa kanilang mga customer. Napansin niya na ang bawat pangalan ng mga customer ay tinatawag habang sine serve ang kanilang mga orders. Nakita niya ito bilang isang magandang strategy ng customer service. 

Nagbigay siya ng ideya sa Starbucks ukol sa kanyang naging karanasan sa Italya. Noong 1985, matapos ang ilang trials ng ideya ni Schultz, sinubukan nila ang bagong strategy sa ika anim na store ng Strabucks sa Seattle kung saan ang unang kilalang cup ng Starbucks ay naibenta. Bilang result anito, tumaas ang sales ng ika anim na branch ng halos pareho din ng iba pang limang branch nito. Kaya naman muli niyang kinausap ang ma-ari ng Starbucks na iapply narin ang strategy sa lahat ng branch nito. Sa ilang beses na kanya itong idinaig sa dating Starbucks, hindi ito tinanggap ng may-ari ng Starbucks. 

Dahil dito umalis siya sa Starbucks at nagsimula ng sarili niyang coffee company na tinawag niya na “II Giornale” na and ibig sabihin sa Italian ay “The Daily”. Sa tulong ng iilang funds, nakapag patayo siya ng unang tatlong branches nito. 

“II Giornale”  

Para buhayin ang II Giornale, kinakailangan niyang lumikom ng mahigit $1.6 M para mapatakbo it. Lumapit siya sa iba’t ibang tao tungkol sa kanyang negosyo. At sa 242 na tao na kanyang nakausap, 217 ang humindi sa kanyang ideya. Ang panahong ito ay nagiwan ng napakalaking impact sa kanya bilang isang entrepreneur kung saan natuto siyang maging mas mapagkumbaba pa sa buhay. Ilang beses siyang tinanggihan at di pinaniniwalaan ngunit naisip niyang hindi siya dapat na magpatalo sa kabiguang ito.

Sa loob ng dalawang taon ay ginugol niya ang kanyang panahon upang pag-aralan ang strategy ng kanyang natutunan sa Italy at siyang pilit niyang isinusulong na gawin ng Starbucks noon para maibahagi niya sa kanyang sariling kumpanya. 

Matapos ang dalawang taon mula nang umalis siya sa Starbucks ay nauwi sa pagkabankrupt ang Starbucks noong 1987. Nilapitan siya nila Baldwin at Bowker upang ipagbili ang Starbucks sa halagang $3.8 M. Tinanggap ito ni Howard at tuluyan niyang nabili ang kumpanya. 

Sa kanyang pangangalaga, muli niyang binuhay ang Starbucks gamit ang passion niya para dito. 

Starbucks: New Beginning 

Sa ilalim ng pamumuno ni Schultz, agad niyang isinaayos ang pagpapalakad at pagpapalago ng Starbucks at mariin niya pinagplanuhan ang mga strategies na maaaring gawin upang mas makilala pa ang brand. Dahil sa ito’y isang naestablish na na kumpanya at mayroon na rin itong nakalap na mga customer, kinakailangan na lamang niya gawing maayos at magpatupad ng karagdagang strategy upang mas mapabuti pa at maging mabango ulit ang pangalan nito sa publiko. 

Ang una niyang ginawa ay ang pagdaragdag ng iba’t ibang klase ng gourmet-type na drinks sa mad pinalawak nitong offering sa kanilang menu gaya na lamang ng espresso, caffe latte, at iced coffee.

Isinaayos niya ang company values nito kasama na ang pagtetrain sa mga empleyado nito sa pagbibigay ng top-notch na customer service sa kanilang mga customers. Nagisip pa siya ng iba pang paraan upang mas maenjoy ng mga tao ang kanilang coffeeshop. 

Layunin niyang maging isang kumportableng puntahan ang Starbucks kung saan maging isa itong madalas na tambayan ng iba’t ibang klase ng tao na mahilig sa kape, at magtrabaho sa labas. Naisip din niya na lagyan ang kanyang mga coffeeshop ng isang kumportableng tambayan na kagaya nga sala para mas at home ang mga customers nito.

Nagbunga na nga ang kanyang pagsisikap at noong 1992 ay naging isang public company ang Starbucks kung saan siya na ang naging CEO. Kalaunan, nakaranas ang kumpanya ng napakalaking paglago sa buong 1990s at naging No. 1 ng specialty coffee retailer sa US. 

Sa higit sa 16,000 mga lokasyon sa buong mundo, maraming tao ang nag aakala  na ang Starbucks ay isang franchise. Ngunit ang totoo, ito ay itinuturing na nangungunang coffee shop chain sa buong mundo hanggang ngayon. 

Starbucks Today 

Para mas mapabuti at mapanatili ang quality ng serbisyo at lalong-lalo na ang kalidad ng kape na kanilang sineserve, nagpasya si Schultz na isara ang mahigit 7,100 Starbucks stores nito noong 2008 para mas matutukan pa niya ang pamamahala sa kanyang mga barista sa paggawa ng perpektong espresso na siyang na eenjoy natin sa kasalukuyan. Bilang balik sa sakripisyo ng ito sa negosyo at maituturing na sugal ng kumpanya, naging triple ang balik ng sales ng Starbucks sa loob lamang ng dalawang taon. Mula $315 million ay naging $945 million ang sumatutal na sales na nakamit ng Starbucks matapos ang bold move na ito. 

Sa kasalukuyan ay umabot  na ang kanilang annual sales nang sobra pa sa $16 billion. Noong 2019 ay pumalo na ito sa $26 billion. Sa taong 2020, ang Starbucks ay mayroon nang mahigit 31,000 na branches sa buong mundo

Strive hard to be better. There’s always room for improvement. 

Marahil ay ito nan ga ang susi sa tagumpay ng Starbucks upang ito ngayon ay naging isang multi-billion na kumpanya sa mundo. Sa journey ng tagumpay ng Starbucks, marahil ang matutunan natin dito ay ang kahalagahan ng customer service at ang pageestablish ng isang magandang business-customer relationship. 

Sa parte ng Starbucks, ang kanilang strategy kung saan kinikilala nila ang kanilang mga customer sa pamamagitan ng pagsulat nito ng kanilang pangalan sa cup at ang pagtawag ng pangalan nila sa tuwing iaabot na ang order ay isang magandang gesture na nag eestablish ng personal relationship ng brand at customer nito. At bilang customer, natural sa atin na gusto natin na nararamdaman natin na kinikilala tayo at kumportable ang atmosphere sa paligid natin. Ito nga ang napagtagumpayan ng Starbucks. Ang maayos na pakikitungo sa customers ay napakahalaga sa negosyo. 

Isa pa sa pinakamahalagang aral na mapupulot natin ay ang paghahangad na mas mapabuti pa ang produkto at serbisyo na inooffer ng iyong negosyo. Para sa Starbucks, kahit pa malaki na ang customer at maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kanilang produkto, di tumigil ang kumpanya sa hangarin nil ana mas mapabuti pa ang kanilang produkto kahit pa kailangan nila ng sakripisyo. 

Sa isang negosyo, mahalaga ang tiwala na mula sa mga customer. Ang tiwalang ito ay makakamit lamang kung may maayos na relasyon ang isang negosyo o kumpanya sa kanyang mga customers. Sa kabilang banda, ang maayos na relasyon na ito ay nakukuha sa pamamagitan ng maayos na serbisyo at mapagkakatiwalaang produkto na ibinibigay ng isang negosyo sa kanilang mga customer. 

 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61f1e04c4b024
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro