Paano Nagsimula ang Pinakamayaman na Online Business Seller sa Mundo

Amazon. 

Sa pangalan pa lang ay maiisip mo na agad na ito’y katumbas ng isang napakalaking bagay —- Ang Amazon Jungle na itinuturing nating pinakamalaking kagubatan sa buong mundo na sa laki ay aabutin pa ng napakaraming taon upang tuluyang matuklasan ang kabuuan nito. 

Upang ang isang kumpanya ay ipangalan sa isa sa “pinaka” sa mundo  ay talaga namang may sinasabi. Gaano nga ba kalaki bilang isang kumpanya ang Amazon upang ito ay maihahalintulad sa isa sa bumubuo ng malaking parte sa kabuuan ng mundo? 

Ang Amazon o kilala rin bilang Amazon.com ay maituturing ngayon na isa sa pinakamalaking online retailer at internet-based na kumpanya sa buong mundo kung saan ito ay kilala bilang bilihan ng  samut-saring kagamitan na tinatayang aabot sa 100 milyong klase ng kagamitan na maaari mong maisip. 

Ika nga “The Everything Store”. 

Ngunit bago pa man ito naging isang tanyag na bilihan ng kung anu ano, alam mo ba na gaya ng karamihan ng mga multi-billion dollar na negosyo ay nagsimula rin ito sa simpleng pangarap sa isang garahe na may kaunting kagamitan lamang bilang panimula. 

Ibig sabihin ba nito, na ang lahat ng nagiging malaking kumpanya ay dapat magsimula rin sa simpleng garahe or sa pinakapayak na paraan upang maging matagumpay? 

Hindi naman. Ngunit hindi ba’t nakakapukaw lang ng interes at nakaka inspire na malaman na may mga successful na kumpanya palang nagsimula sa ganitong paraan. 

Jeff Bezos: The Man Behind Amazon

Ang bawat malaki at successful na kumpanya na ngayon ay nasa rurok ng kanyang tagumpay ay kinailangan ring magsimula sa maliit. Tulad ng iba pang kumpanya, nagsimula din and Amazon sa ganitong paraan. At sa bawat isang successful business, ay may isang determinadong tao na nasa likod ng success nito — si Jeff Bezos a.k.a The Richest Man in the World. 

Si Jeff Bezos ay isang American CEO ng kanyang self-made company, ang Amazon. Kasalukuyan siya ang pinakamayamang tao sa buong mundo. Ang kompanyang itinatag ni Jeff Bezos ay isa lamang sa dalawang kumpanya sa U.S na may mahigit sa kalahating milyong empleyado at patuloy paring lumalaki. 

Bata pa lang ay nakitaan na ng angking talino si Bezos ng mga magulang niya at mula pa noong murang edad ay malinaw na interesado siya sa science. Dahil ito sa kanyang ama na isang engineer at lolo sa ina na isang direktor ng U.S Atomic Energy Commission. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Princeton University na may 4.2 GPA sa kursong Bachelor of Science in Engineering with Electrical Engineering and Computer Science. Nang matapos niya ang kanyang pag-aaral noong 1986, inalok siya ng mga trabaho ng mga top companies sa U.S ngunit mas pinili niyang magtrabaho para sa Fitel na isang start up na kompanya.  

Sa sumunod na siyam na taon sa kanyang napiling karera, makikitang palipat-lipat siya ng kompanyang pinagtatrabahuan niya hindi dahil sa kawalan niya ng value sa mga kompanyang ito kundi dahil sa magaling ito sa kanyang trabaho na naging dahilan kung bakit mabilis siyang na popromote ng posisyon sa kanyang kumpanya. Siya ay nagtrabaho para sa Bankers Trust at sa isang kumpanya ng hedge fund kung saan siya ay may oportunidad na humawak ng isang malaking posisyon sa kumpanya bago pa man siya mag-edad ng 30. 

Pagsapit ng 1994, nakapag desisyon si Bezos na gumawa ng isa startup company na kakaiba sa panahong iyon. Dahil sa unti-unting pagpasok ng Internet sa buhay ng mga tao, nakita niya ang potensyal na magamit ito kaya naman ay tuluyan niya nang iniwan ang corporate world sinimulan ang Amazon. 

The Everything Store: The Humble Beginning of Amazon

Tila ba isang pangitain para kay Jeff Bezos na simulan ang kanyang online-based company sa Internet noong 1994 kung kailan ay kasagsagan ng simula na pag boom ng virtual industry revolution. Sa kagustuhang makasabay sa takbo ng pagbabago ng panahon at maging parte ng modernong pagbabagong ito, sinimulan niya ang kanyang Internet company nang kahit wala pang kasiguraduhan kung ano ang nais niyang gawin noong mga oras na iyon. Gayunpaman, tila ba nasa dugo na ni Jeff Bezos ang pagiging isang tunay na negosyante at  alam niya kung kailan at kung saan naroon ang oportunidad.

Una niyang pinasok ay ang pagbebenta ng LIBRO!

Ang Amazon.com ay nagsimula bilang isang online bookstore noong 1994. Nang magkaroon ng Internet boom, naeralize ni Bezos na ang isang online bookstore na may virtual warehouse ay mas higit na may potensyal na kumita at makabenta ng mas maraming libro kaysa sa mga physical bookstores na may limited na storage space.

Bilang panimula, siya ay namuhunan ng $300,000 mula sa kanyang mga magulang upang simulan ang kanyang start up company. Ayon sa kanya, malaki ang probabilidad na malugi ang kumpanya nito ngunit kampante si Bezos na dahil sa pag boom ng Internet noon ay mas aangat ang Amazon sa iba ang mga offline bookstores na siyang kakumpetensya nito. Bagama’t makabago ang kanyang ideya, hindi siya nagalinlangan na isugal ang pagkakataon para sa mas malawak pa nitong plano sa hinaharap. 

Libro ang unang naibenta ng Amazon.com sa website nito at sa loob lamang ng unang dalawang buwan mula nang mai launch ang website, nakapag benta na ito sa lahat ng 50 states ng US at mahigit 45na bansa sa buong mundo. Nagkamit sila ng mahigit suma total na $20,000 na profit na maituturing ng malaki para sa isang startup na kumpanya.

Simula 1994 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na lumalaki ang customer base nito pati na rin ang traffic ng Amazon.com sa mundo ng online market at Internet. 

Mula sa pagbebenta ng mga books at e-books, kalaunan ay nagexpand ang Amazon sa pagbebenta ng  music, video at iba pang consumer items. Nagexpand din ito at ginawa ang Amazon Web Services. Habang palaki ng palaki ang Amazon, nakaranas din ito ng ilang set backs kung kelan noong 2002 ay muntik na itong mauwi sa pagka bankrupt.  Nang sumunod na taon ay muli rin itong nakabangon hanggang noong 2007 ay umusbong ang Amazon Kindle. Noong 2013 naman ay nairanggo ang Amazon bilang Pinakamalaking Internet Retailer sa buong mundo. 

Sa patuloy na paglaki ng Amazon ay tuluyan na ngang naihilera si Jeff Bezos sa listahan ng Wealthiest Man in the World na may net worth na $117 billion. 

Bakit Amazon? 

Sa gitna ng pagkahumaling nito sa negosyo sa Internet, pinukaw niya ng kanyang mga pangarap ng tagumpay sa buong mundo. Inilunsad ni Jeff Bezos ang kanyang kumpanya, at una itong tinawag na “Cadabra,” ngunit di naglaon ay binago din ito at tinawag na Amazon nang akalain ng isang customer na ang pangalan nito ay “Cadaver” dahil magkatunog ito.                                

Bakit nga ba Amazon ang ipinangalan niya sa kanyang kumpanya? 

Bilang bagong entrepreneur, pinili ni Bezos na gawing Amazon ang pangalan ng kanyang kumpanya sa ilang mga rason: 

Una, ang Amazon Forest na kung saan karamihan sa mga pinakaexotic na mga wildlife species ay matatagpuan dito sa mundo. Gaya ng Amazon Forest, nais niyang dito mahanap ng mga tao ang mga nais nilang bilhin anumang klaseng gamit ito. 

Pangalawa, ang Amazon River na ang pinakamalaking ilog sa mundo. Nais niyang maging isa sa pinakamalaking retail platform ang kanyang kunmpanya na kung saan malawak ang mararating nito.

Pangatlo, nais niyang ng isang unique na pangalan na madaling maalala ng mga tao. 

At Panghuli, dahil gusto niya ng isang kumpanya na matibay at magtatagal sa mahabang panahon. 

Kung titingnan natin kung paano ang operasyon ng Amazon.com sa online market, masasabi mo agad kung bakit Amazon ang binigay na pangalan ni Bezos. Sa kasalukuyan ang Amazon ay may mahigit na 1.8 million print titles at mahigit 800, 000 na ebook ang ibinebenta ngayon ng Amazon at wala pang ibang platform, retailers at competitors ang nalalapit sa kung gaano kalawak ang inventory ng Amazon pagdating sa mga libro at media. 

Mahigit dalawang dekada na ang nakalipas ay patuloy pa rin ang paglaki ng Amazon. Simula nang magsimula itong magbenta ng mga aklat, ang mga tao ngayon ay pumupunta na sa website ng Amazon para mamili at maghanap ng samu’t saring kagamitan mula libro, pampersonal na kagamitan, household items, gadgets, mga damit, at kung anu ano pang mga kagamitang maari mong maisip.  

Business is all about taking the risk.

Kalakip ng tagumpay sa negosyo ang sumugal upang tuluyang makamit ito. Isa ito sa mga aral na maaaring mapulot natin sa kwento ng tagumpay ng Amazon. Ang magsimula ng negosyo na bago sa paningin ng mga tao ay talaga namang risky sapagkat maaaring hindi maging bukas ang mga tao sa pagbabago. 

Bilang entrepreneur, importante na tingnan mo ito sa ganitong paraan—- maaaring maging bigo ang isang bagong ideya ngunit maaari rin itong umusbong pag sinunggaban mo ang tamang pagkakataon. 

Sa mundo ng business, hindi sa lahat ng oras ay nasa taas ka. Maging ang pinakamatibay na mga kumpanya ay dumaraan rin sa matinding pagsubok, na minsan ay nauuwi rin sa pagkabigo. Gaya na lamang ng estado ng Amazon noon, sinimulan ni Jeff Bezos ang kanyang Internet-based company mula sa ibaba hanggang sa ito’y naging kung ano ito ngayon. Sa panahon ng paglago ng Amazon ay nakaranas din ito ng muntik ng pagkalagapak. Ngunit nang dahil sa tiwala sa abilidad at dedikasyon ni Bezos, kasabay ng mga taong katuwang niya sa pagpapalago nito, ay muli itong nakabangon at naging isa sa mga pinakamalaki at successful na kumpanya ngayon sa buong mundo.

Ang storya ng Amazon ay isang patunay lamang na kapag nagsikap ka nang maigi sa kung anong pangarap at goals mo sa buhay ay makakamit mo ito sa takdang panahon. Patuloy ka lang mangarap at kung may tiwala ka sa kung anong kaya mong gawin maging sa takbo ng pagbabago ng panahon ay tiyak na makakahanap ka ng paraan upang magkaroon ka ng lugar sa mundo ng pagnenegosyo. 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61eeb5bd2e443
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro