Paano Nga Ba Magsimula ng Isang Food Business

Ang Food Business ay isa sa mga pinaka lucrative na industriya na kung saan maraming mga entrepreneur ang nakahanap ng success sa mundo ng pagnenegosyo. Dahil sa itinuturing natin na essential goods ang pagkain, hindi ka zero sa kita kapag pinasok mo ito. In fact, marami sa mga tanyag na businessmen ngayon na gaya nila Injap Sia, Gokongwei, Caktiong, ang naging napakasuccessful sa larangan ng negosyo nang dahil sa pagkain, at dahil dito ay naging isa sila sa mga pinakamayayamang negosyante sa Pilipinas. Marami din namang mga baguhang entrepreneur ang nakahanap din ng kanilang success sa pagnenegosyo nang dahil sa pagkain. Gayunpaman, upang umunlad sa food business industry, kailangan mo ng mahusay na kaalaman sa negosyo, talento, at hospitality skills. 

Also Read: Guided by Faith: Filipino Christian Couple on Finding Their Success in Business

Ang food industry ay binubuo ng isang malawak na hanay ng iba’t- ibang sektor sa negosyo — mula sa farming, agriculture, hanggang sa food manufacturing, distribution, retail, catering, at sa kasalukuyan, mga online deliveries ng mga made-to-order meals at grocery items. Malawak ang sakop ng pagkain pag dating sa negosyo, kaya naman maraming oportunidad ang maaaring i-explore ng sinumang entrepreneur na nagnanais pumasok sa industriya ng pagkain. 

Sa post na ito, tatalakayin namin kung paano ang pagsisimula ng isang negosyo sa pagkain ay isang kumikitang negosyo. 

Anong klaseng food business ang kumikita? 

Ang magsimula ng anumang negosyo sa panahon natin ngayon ay may kahirapan, ngunit ang food business ay may kalamangan kaysa sa iba pang mga Negosyo —- Ito ay ang fact na “Kailangan nating lahat kumain!”  Lahat rin tayo ay may kanya-kanyang preference sa pagkain na dahilan upang magkaroon ng iba’t-ibang klase ng niche sa larangan ng food business. 

Kung nais mong pasukin ang food industry, kailangan mo lamang malaman kung saang aspeto ka sa pagnenegosyo nito nababagay. Maraming paraan upang kumita mula sa pagkain. Dahil sa ito’y pangunahing pangangailangan ng mga tao, hindi gaanong nababago ng panahon ang pangangailangan ng mga tao sa pagkain. Dahil ang bawat item sa pagkain ay nabibilang sa essential commodity, palagi kang makakahanap ng merkado para sa anumang produktong pagkain. Kailangan mong magsagawa ng maingat na market research para sa serbisyo at produkto na gusto mong iaalok ng iyong negosyo. 

Paano Magsimula ng Food Business? 

Narito ang ilang gabay na makakatulong sa iyo upang maintindihan kung paano dapat magsimula ng isang food business:

Know Your Interests and Skills

Importante sa negosyo na gusto mo ang binebenta mo. Pagdating sa pagbebenta ng pagkain, kinakailangan na may tiwala ka rin sa kalidad ng iyong produkto para pumatok rin ito sa panlasa  ng merkado. Importante rin na alamin mo kung ano ang mga interest at skills mo na magagamit mo upang patakbuhin ang negosyo. 

Passion can get you a long way. Ngunit pagdating sa pagtatayo ng isang food business, kailangan mo rin ng tiyaga, diskarte at kaalaman. Kailangan mo tingnan at suriin kung ano ang meron ka na at kung ano pa ang kakailanganin mo para patakbuhin ang negosyo. Bilang entrepreneur ay dapat alam mo kung paano humanap ng tamang resources na makakatulong para punan ang mga bagay na hindi mo gaanong alam sa aspeto ng pagnenegosyo. Maari mong aralin ang mga ito upang mapakinabangan sa negosyo. 

“Learn to learn what you need to learn.” 

Bago pa man magsimula sa pagpaplano ng negosyo, maglaan ng oras para isulat ang iyong strengths at weaknesses, maging ang iyong network of support at resources na available para sa iyong planong negosyo.

Gumawa ng Business Plan 

Ang isang successful  business ay nagsisimula sa paggawa ng isang konkretong plano. Ito ang isa sa pinakamahalagang parte ng  pagnenegosyo. Ang paggawa ng  plano ang gagabay sayo sa buong proseso ng pagpapatayo ng iyong negosyo hanggang sa buong operasyon nito. Ang isang business plan din ay maaari maging kapaki-pakinabang kung naghahanap ka ng pondo upang simulan ang iyong food business. 

Narito ang maaring laman ng iyong business plan:

Budget Plan 

Ang budget plan ay naglalaman ng lahat ng pondo at mga gastusin na kakailanganin upang masimulan ang pagpapatakbo ng iyong  negosyo. Makikita mo rin sa planong ito ang mga pondo na kakailanganin sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Kapag may organisado kang business plan, makikita mo kung paano kumikita ang iyong negosyo at kung magkano ang pera na inaasahan mong kikita.

Ang ilang mga halimbawa ng mga gastos na babayaran mo at kung ano ang kailangan mong isaalang-alang habang nagsisimula ng isang food business ay ang gastos sa pagkuha ng mga empleyado, kagamitan, puhunan, pagpapagawa ng pwesto at iba pa.

Market Study and Competitor Analysis

Sa pagsisimula ng kahit anong negosyo, importante na iyong matingnan at masuri ang iyong mga kompetensya sa market. Bago ka magpatuloy sa pagsisimula ng iyong maliit na negosyo sa pagkain, kailangan mong malaman kung sino pa ang nandoon at kung ano ang ginagawa nila nang sa ganun ay makagawa ka ng strategy kung paano ka makakasabay sa takbo ng merkado at higit sa lahat kung paano ka makaka angat sa kanila. 

Humanap ng butas sa merkado. Tingnan mo kung ano pa ang pangangailangan ng mga consumers na wala pa ang nakakagawa. Ang gawaing ito ay makakatulong sa iyong pagpapasya sa kung anong klaseng produkto o serbisyo ang maaari mong ioffer sa mga consumers gaya ng food delivery,  made-to-order food, baked goods, food truck, catering at iba pa produkto at services na unique sa kung anong meron na.                                              

Pag-iisip ng Konsepto 

Mahalagang isipin kung ano ang magiging kabuuang konsepto ng iyong food business. Ito ba ay magiging isang brick-and-mortar na restawran, lutong-bahay o home-based catering, food truck, hole in a wall na kainan, o kaya naman ay food manufacturing ng iyong sariling produkto. Kasabay din nito ang  pagpaplano ng kung paano mo ito ipaparating sa market at ipepresenta ang iyong offerings mula sa disenyo ng iyong establishment hanggang sa itsura ng iyong magiging produkto. Kailangan mo ring pag isipan kung anong klase ng pagkain ang iyong iaalok, at kung paano mo ito ibebenta sa iyong mga customers.

Kumuha ng Lisensya at Permit  

Kapag may sapat ka ng plano na nakahanda para sa iyong negosyo at alam mo na kung anong direksyon ang gusto mong tahakin para sa iyong negosyo at may sapat ng budget para dito, ay handa ka na upang simulan ang pagpapatayo nito. Ngunit bago pa man maging operational ang iyong food business ay siguraduhin na kumuha ng mga business permit at lisensya kung kinakailangan lalo na kung ikaw ay kukuha ng mga tauhan, magpapatayo ng pwesto at mag didistribute ng mga produkto sa merkado. Alamin ang mga importanteng mga requirements na dapat icomply upang maayos ang operasyon ng iyong negosyo. 

Maraming iba’t ibang mga permits at lisensya na kinakailangan para sa mga food business. Anumang uri ng food business ang simulan mo, kakailanganin mo ng ilang mga permit at lisensya upang legal na maoperate ito. Maaaring dumulog sa tanggapan ng lokal na pamahalaan upang malaman mo kung aling mga lisensya ang kailangan mo para sa iyong uri ng negosyo.

Piliin ang iyong Lokasyon 

Maraming pwedeng isaalang-alang sa pagpili ng lokasyon ng iyong negosyo. Narito ang ilang mga kadahilanan maaari mong isaalang-alang:

Gastos

Base sa iyong potensyal na kita, kakayanin mo ba ang gastusin sa renta? 

Access sa mga potensyal na customer

Paano ka makakahatak ng mga customer sa iyong restawran? Paano ka matutunton ng mga customer gamit ang kotse, public transpo o by foot? 

Restrictive Ordinances

Ang lokasyon ba na iyong napili ay ideal sa pagpapatayo ng iyong establishment? May mahigpit ba na mga regulasyon sa ingay, oras, o mga aktibidad na kailangan sundin at iwasan upang di makasagabal ang iyong operasyon sa iyong mga kapitbahay? 

Proximity sa iba pang negosyo

Tingnan ang mga kalapit na mga negosyo at kung paano ito nakakaapekto sa iyong negosyo. Alamin ang mga aktibidad sa paligid mo at kung paano ito makakatulong sa iyong traffic.

Plano sa hinaharap

Isaalang-alang ang iyong mga plano sa hinaharap at kung ano ang magiging hitsura ng iyong lokasyon sa loob ng 5 o 10 na taon. Isaalang-alang din ang anumang proyekto na nais mong gawin sa hinaharap at kung ang lokasyon ba na pipiliin mo ay aangkop sa iyong mga plano.

Maghanap ng Suppliers 

Humanap ng mapagkakatiwalaang suppliers na may magandang track record sa pag susupply ng kalidad na mga produkto sa mga sinusuplayan nila. Tiyakin na ang mga nag susupply ng pagkain ay may maayos na delivery schedule at mga food safety management practices. Subukan maghanap ng supplier sa mga pakyawan, sa mga lokal na magsasaka,

Kumuha ng Sariling Empleyado 

Ang pagkuha ng mga empleyado ay nakadepende sa kung anong klaseng food business ang meron ka at pangangailangan sa operasyon nito. Maaaring kailangan mo ng mga katuwang, maaari din namang hindi. Ngunit kahit mga maliliit na mga negosyo ay nangangailangan pa rin ng karagdagang tulong upang maging mas mahusay pa ang serbisyo. 

Maghanap ng mga empleyado na may sapat na karanasan at may malinis na track-record. Magsagawa ng background check hangga’t maaari upang masiguro ang kasanayan nila sa trabaho. Piliin ang mga empleyado na may tamang attitude sa pakikisama sa mga katrabaho, at sa mga customer.  Pumili rin ng empleyado na mapagkakatiwalaan ang kalidad sa trabaho at may malasakit sa ikabubuti ng iyong negosyo.

I-advertise ang iyong Negosyo 

Bago pa man opisyal na magbukas ang iyong, kinakailangan ay simulan na ang pag mamarket ng iyong food business. Umpisahan na ang pag alerto sa iyong komunidad na may bagong kainan o negosyo na maaaring puntahan. Maaaring mabisang paraan ng marketing ang word of mouth, ngunit may iilan pang ibang paraan upang makagawa ka ng sarili mong potential market na makakatulong sa pag papakalat ng salita tungkol sa iyong negosyo. 

Maaring gawin ang mga sumusunod: 

Gumawa ng magandang website

Dito ay maaari mong maipresenta ang nais mong mensahe ng iyong brand sa iyong mga customers. Bagama’t hindi lahat ng food business ay may sariling website, maaari itong gamitin upang ma establish ang iyong credibilidad bilang food service. Maaari mo rin itong maging platform upang magpost ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong negosyo gaya na lamang ang mga menu, opening hours, event announcements, pati ibang mga produkto na inyong inooffer ang maaaring itampok sa iyong website. Maaari din itong maging platform para mas mapabuti pa ang serbisyo ng iyong negosyo gaya na lamang ang pagdaragdag ng widget na kung saan maaring magpareserve ng table ang customers gamit ang site at iba pa. 

Gamitin ang Social Media

Halos lahat ng mga tao ay may social media profiles at madalas nakatambay sa kanilang virtual profiles. Ang social media na ngayon ay itinuturing na isang napakalaking market na kung saan nagsama-sama ang mga iba’t-ibang market players. Gumawa ng Facebook, Instagram, Twitter, Linkedin, at mag share ng mga larawan ng iyong lugar, menu, maging mga mahahalagang kaganapan sa iyong negosyo nang sa ganun ay maengage ang iyong mga audience sa iyong negosyo. 

Mag-organize ng Soft Opening

Di lamang ito isang mahusay na practice-run bago mag-opening day, nakakatulong rin ito upang mas mapakalat pa ang impormasyon tungkol sa iyong food business sa  iyong komunidad. Gumawa ng maliit na guest-list na tinatampukan ng di lamang ng mga malapit sa iyo, ngunit pati narin ang iba pang local businesses at partners. Maaari ka ring magimbita ng mga influencer upang dumalo nang sa ganun ay mai-share din ang iyong brand o lugar sa kani-kanilang platforms. 

Gumawa ng promotion para sa mga bagong guests

Maaari kang mag offer ng iba’t ibang promotion tulad na lamang ng mga “Buy 1 Take 1” deals, “free drinks or dessert, freebies sa limited na bilang ng customers tuwing may importanteng kaganapan sa negosyo at iba pang okasyon.

I-set ang iyong Presyo

Isa sa pinakaimportanteng hakbang sa pagtatayo ng iyong food business ay ang pag set ng presyo. Isang paraan upang alamin kung paano mo pepresyuhan ang iyong mga produkto at serbisyo ay sa pamamagitan ng market research. Tingnan ang iyong mga competitors mula sa kung paano nila inaalok ang kanilang produkto, kung ano ang kanilang inaalok, gaano kalaki ang serving, hanggang sa magkano nila ito ibinibigay sa mga customers. Ito ang nagsisilbing gabay sa kung paano mo iaasses ang tamang presyo para sa pagkain mo. 

 

Maraming klase na food business ang maaari mong simulan at malawak ang kompetisyon dito. Kung bibigyang pansin mo ang mga pangunahing hakbang sa pagtatayo ng negosyo gaya ng paglikha ng isang solid na business plan, pagrehistro ng mga permit at lisensya, pagpili ng magandang lokasyon, tamang pag presyo at iba pang hakbang, mailalagay mo ang iyong negosyo sa isang magandang estado kung saan ito’y tiyak na lalago.  Isang mahalagang industriya ang pagkain kaya naman kung nagbabalak kang pasukin ito, ihanda ang sarili sa malaking competition sa market ngunit umasa rin sa competitive na kita kung sakaling pumatok ang negosyo mo sa masa. 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61f1928e97604
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro