Pagnenegosyo sa Panahon ng Pandemiya 

Sa panahon ng tag gipit at matinding hamon, ang pinaka maituturing na puhunan ng isang negosyante ay ang kanyang DISKARTE. 

Sa panahong ito na kung saan niyanig tayo ng isang pandemya na walang kasiguraduhan kung kelan matatapos, karamihan sa mga manggagawa ang nawalan ng  trabaho ay napilitang magnegosyo o naghahangad magnegosyo upang masustina ang pangangailangan sa pang araw-araw. 

Sa simula ng 2020, hindi natin mawari ang epekto ng COVID- 19 sa mundo ng negosyo. Dahil sa matinding pangangailangan, iba’t-ibang uri ng negosyo ang nagsilitawan habang may coronavirus pandemic. Karamihan ay mga small business na kahit papaano ay naging pandagdag sa pantustos at  yung iba naman ay yung di mo aakalain na patok pala sa masa. Mula sa iba’t-ibang klaseng pagkain at produkto hanggang sa mga serbisyo, maraming negosyo ang nagkaroon ng puwang sa merkado na nagbukas ng panibagong oportunidad sa mga business owners para ma meet ang bago at umuusbong nitong pangangailangan. 

Lahat tayo ay walang ligtas sa krisis na ito. Maging ang mga successful businesses sa iba’t-ibang panig ng mundo ay tinamaan din ng epekto ng COVID dahilan kung bakit ang lahat ay naghahanap ng paraan upang muling makabangon sa ating new normal. 

Speaking of diskarte, anu-ano ba ang maaaring simulan ngayon na negosyo? Praktikal pa ba ang pumasok sa pagnenegosyo ngayong strikto na ang mga kalakaran sa merkado? Kung galing ka sa pagkalugi o nabigong business, maaari ka pa bang magsimula? 

Anu-ano ang maaaring simulan ngayong negosyo ngayong may Pandemic? 

Bago pa man natin ilista kung anu-ano ang mga negosyong pwede mong simulan ngayong may pandemic, importante na maintindihan ng bawat negosyante na mas prayoridad ng nakararami ngayon lalung-lalo na ng mga simpleng mamamayang Pilipino. 

Kaya naman mahalaga na busisaing mabuti ang market at alamin kung ano ang pangangailangan ng mga tao nang sa ganun ay may ideya ka kung may tsansa bang umusbong ang iyong pinaplanong negosyo. 

At kung ikaw ay isang negosyante, baka kailangan mo na ring mag-iba ng landas at magadapt sa ibang negosyo.  Narito ang mga negosyong maaaring gawin ngayong panahon ng pandemya: 

  1. Medical Supplies

Dahil tayo ay nakakaranas ngayon ng matinding health crisis, pinaka priority ng lahat ay ang kalusugan. Kung kaya mong mag supply at magbenta ng mga face mask, face shield, PPE, alcohol, sanitizers ay siguradong tiba-tiba ang iyong kita. Maliban sa pagkain, ang medical supplies ay isa sa mga important commodities ngayong pandemya. 

  1. Cleaning Supplies 

Ang pagbebenta ng mga disinfectants at iba pang cleaning supplies ay isa rin sa mga malakas na negosyo ngayong pandemya. Importante ang panatilihin ang kalinisan ng malayo tayo sa mga virus na maaaring kumapit sa atin. Kung wala ka namang kakayahan na gumawa ng sariling mong produkto, maaari kang  magbenta through retail o reselling.

  1. Grocery 

Bilang ang pagkain ang pinaka essential goods, ang pagbebenta ng klase-klaseng pagkain at essential items gaya na lamang ng noodles, de lata, mga karne, bigas, toiletries, at iba pa ay napaka in-demand lalo na ngayon. Kung di naman kaya ang grocery, maaaring magsimula sa isang simpleng sari-sari store. Tandaan, kung saan may pagkain at essential goods, nandoon ang mga consumers. 

  1. Food 

Maaari kang magluto o gumawa ng sarili mong food products lalo na’t mariin na dinidiscourage ang pagkain sa labas  at limitado lamang dapat ang paglabas ng bahay. Alamin mo kung ano ang madalas na cravings ng mga tao, o kaya naman ay ikaw na mismo nag imbento ng sarili mong produkto. Maari mo lamang itong ipadeliver o ikaw na mismo ang magdeliver sa mga bibili sa iyo. Dahil nga ang pagkain ay isang essential goods, maraming paraan upang kumita mula sa pagkain at tiyak na may bibili nito. 

  1. Delivery Service 

Dahil sa sunod-sunod na lockdown at strict protocols,  hindi gaanong malayang  makapamili ang mga tao. Karamihan ng mga tao ngayon ay ayaw na gaanong lumabas para lamang mamili. Maaari kang mag-alok ng delivery service para sa kahit anong bagay gaya ng pagkain, groceries, packages, maging halaman, at kung anu-ano pang bagay na mahirap madeliver by foot. 

  1. Online Services

Lalung-lalo na sa panahon ngayon, pamilyar na pamilyar na tayo sa Work-from-Home set up.  Karamihan sa atin ang napilitan na magtrabaho mula sa bahay. Mula traditional na setup na naging remote work, lahat tayo ay kailangan mag adjust sa bagong normal. Dahil sa flexibility ng time na resulta ng pagpirmi sa ating mga bahay, marami na tayong maaaring gawin remotely gawa na lamang na uso na ngayon ang online jobs. 

Kung maalam ka sa aspeto ng online jobs at may kakayahan ka na pagkakitaan ito, heto na ang tamang panahon upang ialok mo ang knowledge mo. Marami ngayon ang naghahanap ng mentoring kung saan nais malaman ng mga tao kung paano magsimula ng work online. Marami ang gusto matuto ng mga set skills at naghahanap ng mga tutorials na magagamit para sa online freelancing at kahit sa mga hobbies na gustong subukan habang nasa bahay lamang. Maari kang mag-alok ng mentoring o kaya naman humawak ng tao para sa iba’t-ibang online jobs gay ng mga VA companies. 

Maaari ka ring magsimula ng digital marketing company at iba pang mga online-based businesses na mas madaling naaabot ng mga tao lalo na sa online. 

  1. Landscaping 

Sinong mag-aakala na may malaking pera sa paghahalaman? Ang mga ibang halaman na dating dinadaan-daanan lang at mapupulot sa tabi-tabi ay maari pa lang ibenta sa mataas na presyo. Dahil kadalasan lang na nasa bahay ang mga tao, umusbong ang napakaraming PLANTITO at PLANTITA na nagkainteres sa paghahalaman. Kaya naman kung may kapasidad ka upang magbenta ng mga halaman, lalo na ang mga malalaki at rare na uri ng halaman, maaari kang kumita ng napakalaki ganun din kung ikaw ay nagbebenta ng kagamitan sa paghahalaman gaya ng mga paso at lalagyan ng tanim, mga lupa, at fertilizers

Praktikal pa ba pumasok sa pagnenegosyo ngayong strikto na ang mga kalakaran sa merkado?

Sa panahon ngayon na marami ang nawalan ng kanilang permanenteng trabaho, kadalasan ay kung hindi sila pumapasok sa online freelancing, ay nagnenegosyo sila. 

Aminin na natin, hindi tayo handa sa kung anong klaseng pandemiya ang tumama sa atin noong 2020. Dahil dito, maraming nawalan ng trabaho, maraming negosyo ang bumagsak na naging dahilan ng paghina ng ating ekonomiya. Di lamang dito sa ating bansa ngunit pati na rin sa ibang mga bansa sa mundo. 

Kung mapapansin natin, nung simula pa ng pandemya kung saan ang mga tao in a state of panic pa at nag aadjust pa lamang sa mga health protocols at sa pangkalahatang new normal, halos lahat ng mga negosyo na ang inooffer ay hindi masyadong esensyal sa isang health crisis ang talaga namang dumaan sa pagkalugi. 

Dahil sa social distancing, lockdowns at curfew, maraming establishment ang nagsara gaya ng mga restaurants at iba pang kompanya ang napilitang magsara dahil sa kawalan ng customers dahil nga sa takot din lumabas ang mga tao. 

Ganun pa man, kasabay din nito ang pagdagsa ng mga makabagong negosyo na di natin aakalain na patok pala ngayong pandemic. Kailangan din ng lahat na mag adjust sa kung paano nila maipapakita ang kanilang mga produkto at serbisyo sa mga tao. Katunayan, marami ding mga entrepreneur ang nagbago ng kanilang negosyo at nagsimula ng panibago na ayon sa pangangailangan ng tao. 

Kaya kung tatanungin kung praktikal ba ang magnegosyo ngayong pandemic… ang sagot ay isang malaking…OO. 

Kung tingin mo ay may mai ooffer ka na sasagot sa pangangailangan ng mga tao lalo na ngayong pandemic… Why not? 

Isang taon sa gitna ng pandemya, tayo ay tila ba nakakaraos na at naka adjust na kahit papaano sa panibagong pamumuhay ngayon. Ang ibang mga negosyong nalugi noong simula ng taon ay unti-unti nang nakakabangon. Marami na rin ang nabigyan ng panibagong trabaho sa iba’t-ibang industriya kasabay ng paglipat din sa new normal, at maraming mga bagong entrepreneurs ang nakapagsimula ng mga negosyo. 

Kahit papaano ay nagbukas ang pandemiyang ito ng mga bagong opportunities for business. 

Gaya na lamang ang Landscaping. Sinong mag-aakala na magkakaroon tayo ng makabagong trend sa paghahalaman? Nang dahil sa lockdown, nauwi ang karamihan sa pag-aalaga ng mga halaman dahilan upang mag silabasan ang mga PLANTITO at PLANTITA. Dahil dito, ang industriya ng mga nagbebenta ng mga halaman, fertilizers, at maging landscaping services ay talagang  nagkaroon ng unexpected sales. 

Akalain mo, ang mga halaman na dating dinadaan-daanan lang sa bukid gaya ng badyang  (taro), ay naibebenta na ngayon nang mahigit P 15,000 pataas depende sa laki. 

Isa pa, ang mga delivery services. Hindi lamang ang mga malalaking kumpanya ang nagdedeliver sa panahong ito. Marami na ring mga ordinaryong mamamayan ang kumikita sa pagdedeliver basta lamang ay may sasakyan na magagamit para maghatid ng kung anuman sa iba’t-ibang destinasyon. 

Ang praktikalidad ay nagdedepende parin sa kung anong uri ng negosyo meron ka at siyempre sa kakayanan mong kumita at abilidad mong magpatakbo ng negosyo sa kabila ng hamon ng merkado. 

Kung galing ka sa pagkalugi o nabigong business, maaari ka pa bang magsimula ngayong pandemic? 

Isang mindset na kailangan mayroon ang isang negosyante ay ang maging RESILIENT sa lahat ng oras. Sa mundo ng negosyo, ang success ay maaaring “pana panahon” lamang. Hindi sa lahat ng panahon ay nasa taas tayo, gaya na lamang din ng itinuturo sa atin ng buhay. Ganoon din naman sa pagnenegosyo. 

Nung nagsimula ang pandemic, lahat tayo ay apektado— mga ordinaryong mamimili, mga maliliit na negosyo, maging ang mga negosyong sinubok na sa tagal ng panahon. Ang iba pa nga ay tumagal na ng mahigit 20 years ay napilitang magsara or kaya naman ay baguhin ang tradisyunal na pamamalakad sa negosyo nang umayon ito sa kasalukuyang sitwasyon at demands ng mga tao. 

Kung isa ka man sa naapektuhan sa krisis nating ito, wag kang mag-alala hindi ka nag-iisa. Lahat tayo ay sa isang punto ay kinailangan magsimula muli sa ibaba. Bilang isang entrepreneur, you have to know how to turn a crisis into an opportunity. Nagbabago ang pangangailangan ng mga tao, kaya naman ay mahalaga ang innovation sa isang negosyo. 

Kung ang dati mong negosyo ay nag fail, hindi ibig sabihin na hindi ka na pwedeng sumubok. Hindi rin nangangahulugan na dahil sa wala kang kahit anong karanasan sa pagnenegosyo, ay hindi ka na maaaring sumubok. Gaya nga ng sabi nila “Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.” Kung kaya ng iba, ay kaya mo rin. Samahan lang ng diskarte, sipag, malasakit sa kapwa, tatag ng loob, determinasyon, at willingness para matuto, ay tiyak na makakamit mo din ang big break na matagal mo nang minimithi. 

Hindi lang naman ito para lang sa mga negosyante, kundi pati na rin sa iba pang minimithi natin sa buhay. Lagi lamang tandaan na: 

“Life is not about how many times you fall down. It’s about how many times you get back up.” 

Tinamaan man tayo ng patinding pandemic. Di man natin alam kung kailan ito matatapos, basta lamang ay may determinasyon at lagi nating iisipin ang dahilan kung bakit natin itinayo ang ating negosyo  ay tiyak na hindi lamang kita o pera ang babalik sa atin kundi pati na rin tiwala ng mga tao sa ating negosyo.

 

 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61ec9dffe3771
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro