The Inspiring Life Story of KFC’s Colonel Sanders 

Lahat tayo ay naghahangad na maging matagumpay sa buhay. Na kung maaari ay habang buhay tayo ay mailalaan natin ang ating oras para sa katuparan ng ating mga pangarap. 

Ang success naman ay hindi lamang pinapangarap. Ito’y higit sa lahat ay pinaghihirapan. 

Minsan, bago natin makamit ang isang tagumpay sa buhay natin, kinakailangan muna ay dumaan tayo sa mga pagsubok na minsan pa ay siyang nagpapahina sa ating loob at nagsasabi sa atin na malabong matupad ang nais natin, bago pa man natin tuluyang maabot ang minimithi natin sa buhay. Isipin na lamang natin na ang isang matagumpay na business ay nagsimula muna bilang isang small business na unti-unting binuo at pinalaki ng pagsubok at matinding pagsisikap. 

Madalas ay nakakarinig tayo ng iba’t-ibang success stories na kung saan ang iba ay nakaranas muna ng napakaraming kabiguan sa buhay bago pa man ang isang life-changing na plot twist sa kanilang buhay. Gaya na lamang ni Thomas Edison, na kung marahil ay hindi siya nabigo nang 1000 na beses at di niya paulit-ulit na sinubukang magsimula at bumangon mula sa bawat kabiguan, siguro ay wala tayong ilaw ngayon. Kung matatandaan natin, bago pa man nabuo ang kauna-unahang prototype ng “light bulb”, ay nabigo muna siya nang 1000 na beses bago niya nakuha ito. 

Maliban kay Edison, ang istorya ng tagumpay ni Colonel Harland Sanders ay di rin gaanong  naiba ngunit di rin naman dapat maliitin. Kung di mo kilala si Colonel Sanders, marahil ay pamilyar ang kanyang imahe na sa katauhan ng isang matandang nakaputi na siyang trademark mascot ng KFC isang sikat na American fast-food chain na pumapangalawa sa  McDonalds sa pinakamalaking fast food chain sa buong mundo. 

Ang buhay ni Colonel Sanders ay isang malaking aral para sa lahat tungkol sa kahalagahan ng pagsisikap, di pagsuko sa kabila ng kabiguan, at higit sa lahat ang pagtitiwala sa sariling kakayahan. Narito ang inspiring na istorya ng buhay ni Colonel Sanders at kung paano nabuo ang KFC na siyang isa sa nakasanayang fast food chain ng mga tao sa buong mundo. 

Failure After Failure: Failures of Colonel Harland Sanders

The one who tries never fails. 

Ang naging buhay ni Colonel Harland Sanders ay isang malaking patunay ng mga katagang ito. Bago pa man siya naging isa sa pinaka successful na entrepreneur sa larangan ng fast food chain business, siya ay nakaranas din ng sunod-sunod na setbacks sa kanyang buhay. Ngunit dahil sa kagustuhang matupad ang kanyang mga pangarap, hindi naging hadlang ang bawat kabiguan upang ituloy ang kanyang pagsisikap sa buhay. 

Si Colonel Sanders ay sa murang edad ay namulat na sa mga hamon at responsibilidad sa buhay. Sa edad na 5 taon, naiwan sila ng kanyang ama dahil ito ay pumanaw na. Dahil dito, ang kanyang ina ay nagtrabaho sa factory upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Habang siya ay nasa trabaho, si Colonel ang tumayong tagapangalaga ng kanyang mga nakababatang kapatid. 

Bata pa lamang ay nakahiligan na nitong magluto gawa na rin ng kanyang responsibilidad na alagaan ang mga kapatid. Sa edad na 7 taon, siya ay naging mahusay sa pagluluto. Dahil kailangan nilang mabuhay, sa murang edad na sampu ay nagtrabaho na si Colonel sa isang farm at nagipintura ng mga karwahe. Sa edad na 12, muling Nagasawa ang kanyang ina at tumira sa Greenfield. Sa kasamaang palad, hindi naging maganda ang relasyon niya sa kanyang amain kaya siya ay bumalik sa kanilang lugar sa Clark County.

Sa edad na 16, pumasok siya sa US Army at nagsinungaling ito sa kanyang tunay na edad. Matapos ang isang taon ay nadischarge din siya sa army. Kalaunan, lumipat siya sa Alabama kung saan siya ay nagtrabaho bilang helper ng isang blacksmith, bumbero, at tagalinis ng mga tren. 

Sa edad na 19, siya ay nagasawa at nabiyayaan ng 3 na anak sa kanyang asawa. Ngunit dahil sa sunod-sunod na rejections at kabiguan sa buhay at trabaho, naapektuhan ang relasyon nila ng kanyang asawa na nauwi sa hiwalayan. Naiwan sa kanya ang tatlo niyang anak ngunit sa kasamaang palad, isa dito ay maagang namatay na naging sanhi ng kanyang depression. 

Sumubok muli si Sanders ng panibagong karera ngunit tila ba ay mapaglaro ang buhay sa kanya dahil sa di rin ito tumagal sa kanyang profession. Nagaral siya noon ng law at naging ganap na abogado. Ngunit tumagal lamang ito ng 3 na taon dahil sa nahinto din ang kanyang karera dahil sa away na kinasangkutan ng kanyang kliyente sa korte. Nasubukan din niyang maging ahente sa isang insurance company ngunit di rin ito tumagal. 

Sa bawat paglagapak at muling pagsubok ni Sanders, patuloy lamang siyang nakaranas ng kabiguan sa buhay. Tila ba ay pinapahiwatig sa kanya ng buhay na kahit ano pa man ang gawin niya ay mabibigo at mabibigo pa rin siya. Masasabi natin na hirap si Colonel Sanders na mahanap ang lugar niya sa mundo dahil sa dami na nitong nasubukang trabaho ngunit hindi siya tumatagal. 

Pinasok niya ang kung ano man na trabaho ang kanyang pwedeng mapasukan. Noong 1920, siya ay naging isang minority shareholder ng isang boat company at nagtrabaho bilang secretary. Umalis din siya kalaunan at nagtayo ng isang lamp manufacturing company. Muli, ito ay di naging matagumpay dahil may isang kumpanya na pala ang nakagawa ng mas magandang bersyon ng kanilang produkto. 

Maliban dito, nagtrabaho din siya sa isang gas station. At para kumita pa ito ng extra ay nagsimula naman siyang magbenta ng pagkain para sa mga byahero na nagpapa gasolina. Dito unang napansin ang kanyang angking talento sa pagluluto.

Kung titingnan natin ang takbo ng kanyang buhay, masasabi natin na buong buhay niya ng ginugol ang kanyang panahon sa pagtatrabaho at paghahanap ng kanyang lugar sa mundo. Marami siyang pagkakataon para sumuko, ngunit di siya tumigil. 

Sa edad na 40, nagsimula na siyang magbenta ng mga chicken dishes sa isang service station. At noong medyo nakilala na ito ay nagkaroon naman siya ng alitan sa kakumpetensya nito na nauwi sa madugong pangyayari. Mula rito ay muli siyang bumangon at bumili ng motel  ngunit kalaunan rin ay nasunog kasabay ng kanyang tinayong restaurant. Sunod-sunod na kamalasan nga ang nangyari kay Colonel Sanders ngunit di pa rin siya nagpatinag. Alam niya ang gusto niyang gawin at pursigido siya kaya naman muli niyang sinubukan ulit na magpatakbo ng isang motel na siyang nahinto rin noong World War II. 

Sa edad na 59, siya ay nagpakasal muli sa kanyang kasintahan na si Claudia noong 1949. Dahil sa talent niya sa pagluluto, nagsimula siyang magpatakbo ng cafeteria para sa gobyerno. Sa dinami-rami ng kabiguan na kanyang napala sa paulit-ulit niyang pagsubok na magsimula sa buhay, may pagkakataon rin na napanghinaan siya ng loob na mabot sa punto na muntik na siyang magpakamatay sa sobrang kabiguan niya. Sa edad na 65, siya ay nagretiro na ngunit nakatanggap lamang ng $105 bilang sustento sa kanya ng gobyerno. Ikinasama ito ng kanyang loob na naging dahilan ng muntik niyang pag suicide. Ngunit napag isip-isip niya na marami pa siyang pwedeng gawin sa kanyang buhay. Kaya naman, habang sa kaya pa niyang tumayo ay muli siyang sumubok. 

The Beginning of KFC: The Success of Colonel Harland Sanders

Pagkatapos ng giyera, sinubukan niyang gawin franchise ang kanyang restaurant. Ang kanyang recipe ng fried chicken ay nareject muna ng ika 1,009 na beses bago it natanggap. Sa dami ng rejection na kanyang naranasan, sapat na ito para ang isang tao ay sumuko. Ngunit hindi para sa Colonel. Sa mahigit isang libong paulit-ulit na pagsubok sa kanyang recipe, ay sa wakas sa ika-1010 na recipe proposal nito ay tinanggap ito ng isang restaurant na ang tawag ay Salt Lake City na siya naman pinapatakbo ng kanyang kaibigan na si Pete Harman. Tinanggap ni Peter ang offer na mag franchise ng secret recipe ni Colonel Sanders.

Unti-unting bumenta ang chicken recipe at tumaas ang sales ng restaurant ni Pete. Tinulungan ni Pete Harman si Sanders na palawakin pa ang franchising business ni Colonel Sanders ng kalaunan ay kilala bilang  “Kentucky Fried Chicken” na mas pinasikat pa ng tagline nito na “it’s finger lickin good” na ginawa ni Pete. Di naglaon, naging hit ang KFC at marami na ang pumasok sa franchising business ni Sanders. 

Matapos ang mga taon ng pagkabigo, sa huli ay malaki ang naabot ni Sanders. Sa wakas ay nakamit na din ni Colonel Sanders ang kanyang big break sa buhay. Lumawak ang KFC sa buong mundo at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na lumalaki. Hanggang sa ngayon, ang imahe pa rin ni Colonel Sanders ang nanatiling mukha ng KFC. Matagal na panahon ang ginugol niya upang makamit ang kanyang pangarap. 

Sa edad na 90 ay pumanaw si Sanders na may naiwan na legacy sa mundo. Noong panahon na iyon ay umabot na sa 6,000 ang lokasyon ng KFC sa 48 na bansa sa mundo. Pagkalaan ng ilang taon, unti-unti na itong lumaki at kumalat sa iba’t-ibang parte ng mundo at naging pangalawa sa pinakamalaking fast-food chain sa buong mundo.

To SUCCEED, you MUST fail, and FAIL MORE.

Ang mabigo nang madalas, nang madali, at higit sa lahat ang matuto sa kabiguan ay isang napaka importante na recipe ng success. Kung minsan ay nao overwhelm tayo ng rejection at kabiguan sa buhay, isipin nalang natin na minsan sa buhay ay matagal ang pagdating ng ating tagumpay. Minsan talaga ay delayed ang ating tagumpay kahit na sobra ang pagpupursigi natin sa buhay.  Gaya ng mapaglarong buhay ni Colonel Harland Sanders, minsan ay kailangan nating dumaan as napakaraming pagsubok at kabiguan bago pa man natin marating ang kaisa isang tagumpay na minimithi natin sa buhay. 

Tayo ay may kanya-kanyang timeline.  Ika-nga sa kasabihan, “There is no such thing as failure, only delayed success.” 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61f1f43b7fbbe
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro