The King of Fast Food: The Success Story McDonald’s

Pagdating sa mga Fast Food Restaurants, isa ang McDonalds sa mga pinaka bukang-bibig ng mga tao. Sa sandaling matanaw mo ang dalawang gintong arko o kaya naman makikita ang pinakasikat na clown sa buong daigdig na si Ronald McDonalds, alam mo na agad na ito ay walang iba kundi ang McDonalds— ang tinaguriang pinakamalaking fast food restaurant sa buong mundo kung ibabase sa revenue at lawak ng sakop nito. 

Kahit saan ka man sa buong mundo, bihira lamang na hindi ka makakakita ng kahit isa o dalawang branch ng McDonalds. 

Dito naman sa Pilipinas, ang McDonald’s ang maituturing natin na pinaka “rival” company ng pinakamalaking fast-food chain sa Pilipinas— ang Jollibee. Kung papansining maigi, kung nasaan mayroong Mcdo, naroon din ang Jollibee at vice versa. 

Kahit na ang McDonald’s ay isang  American fast-food business, ito ay lubos na tinangkilik ng mga Pilipino kung saan ito rin ay naging paboritong kainan ng mga Millennials simula noong kabataan pa nila at marahil ay mapasa hanggang ngayon. 

Isa lamang ang McDonald’s sa mga pinakamalaking kumpanya ng pagkain sa buong mundo na matagumpay na lumikha ng sarili nitong imperyo. Pagdating sa business, kahit ang mga pinakamalaking business empire ay nagsimula rin bilang isang small business na unti-unting lumawak hanggang sa ito’y tuluyang makilala sa mundo ng negosyo. 

Alam mo bang ang isa sa pinakamalaking chain ng restawran sa buong mundo ay nagsimula muna mula sa isang maliit na family restaurant sa isang bayan ng California? Bagama’t ang McDonald’s ay maaaring ang pinaka kilalang restawran sa buong mundo ngayon, hindi ito nangyari sa isang tulugan lamang. 

Narito ang kwento ng tagumpay ng McDonalds.

The Early Days of McDonald’s 

Nagsimula ang McDonald’s bilang isang family restaurant noong early 1940s ngunit ang success nito bilang kainan ay inabot pa ng mahigit walong taon upang kanila itong maabot matapos nilang gawin ang isang mechanized assembly line na isang mahusay na paraan upang mas mapabilis nila ang paggawa ng kanilang pagkain. 

Ang McDonald’s and nagpasimuno ng ‘Speedee Service System’ na isang simpleng pamamaraan ng paghahanda ng mga hamburger sa pamamagitan ng isang production line para mas mapabilis ang service sa isang restaurant. 

Dahil sa paraan nila ng pag seserve ng simpleng burger kung saan hindi na kailangan ng mga tao ang maghintay ng napakatagal para sila ay makakain ng kanilang inorder na pagkain, tuluyang naging hit ang McDonalds sa paglipat ng mga tao sa kanilang restawran. Hindi lamang sa mabilis ang service nito, masarap at abot kaya pa ang burgers ng McDonald’s. 

Dahil sa mas nag focus sila sa kung paano nila mapapaliit ang gastos sa paggawa, nagawa nilang maging mas mura ang halaga ng kanilang mga produkto. Ang kanilang buong konsepto sa kanilang restawran ay nakabatay sa  bilis, murang presyo at dami ng ginagawa nilang mga produkto. Dahil dito, unti-unting tumaas ang kanilang sales at nagkaroon na sila ng mga repeat customers. Simula noong 1954 ay unti-unti na itong nakilala bilang isang drive-in restaurant at nakapag patayo na ng sampu pang drive-ins subalit hindi gaanong maganda ang management nito at wala pang klarong sistema. 

Ray Kroc’s Role in the Success of McDonalds

Isa sa nakapansin at namangha sa paraan ng service ng McDonalds ay si Ray Kroc, isang businessman kung saan siya ang tumulong upang mas lumawak pa ang pangalan ng McDonalds at mas lumaki pa ito bilang isang negosyo. Si Kroc ang nagbukas  ng pinto para sa McDonalds upang mas makilala pa ito sa iba’t ibang lugar.

Isa siya sa mga namangha sa ideya na hindi na kailangang pumila nang matagal sa paghihintay ng pagkain sa halagang abot kaya. Bilang entrepreneur, nakitaan niya ito ng napakalaking potensyal sa negosyo kung saan agad niyang nilapitan ang McDonald brothers para sa kanyang proposal. Iprenesenta niya sa magkapatid ang  ideya ng franchising ng McDonald’s. Sa tulong ni  Ray Kroc, ang maliit na kumpanya ng McDonalds ay unti-unting lumaki bilang isang korporasyon. 

Ang layunin lagi ni Kroc ay palaging maging pinakamahusay. Hindi maaari kang makuntento lamang sa isang kalagayan at wala itong lugar para sa pagkabigo. Kaya’t nang maitaguyod niya ang kanyang ideya sa franchise sa mga kapatid na McDonald (hindi siya nag-atubiling mag-isip ng malaki. Para sa McDonald’s at ang unique na sistema nito at kalidad ng produkto, nakita niya na magkakaroon ng marka sa iba’-ibang parte ng mundo ang McDonalds. At ito ang kanyang naging pangunahing goal sa kanyang venture na ito. 

Building the Empire 

Noong 1959, napagpasyahan na ang kumpanya ay dapat magtayo at magpatakbo ng sampung o higit pang mga lokasyon bilang karagdagang sa kanilang mga pagpapatakbo ng franchise. Upang matustusan ang cost ng expansion na ito, umutang sila mula sa tatlong mga kumpanya ng halagang $ 1.5 milyon kapalit ng 22.5% ng stock ng McDonald. Matapos ang unang tindahan ng McOpCo (McDonald’s Operating Company) ay itinatag. Ang pautang na ito ang kanilang ginamit sa mabilis na paglaki ng McDonald noong 60s. 

Kahit na dinadagsa naman ang McDonald’s bilang isang family restaurant at naging matagumpay ito sa loob ng halos dalawang dekada, matagal itong nakilala bilang isa sa mga top restaurants sa mundo dahil sa noong 1961 lamang ang kumpanya na nagfile ng trademark para tuluyang maging brand ng isang restaurant. Sa parehong taon rin ay naging kilala ito bilang isang drive through restaurant at nag introduce nadin sa market ng kanilang mascot nang sa ganun ay mas tumatak pa ang kanilang brand sa market. Si Kroc ay isang visionary. Hindi mahalaga kung anong uri ng negosyo ang kanyang simulan dahil sa angking nitong galling sa paghawak ng negosyo ay kaya niya itong buhayin at palaguin dahil laging mataas ang pangarap niya sa kung ano man ang sinimulan niya. 

Sa kabila ng bagong kita mula sa McOpCo at Franchise Realty, hindi nakuntento si Kroc sa kanyang kasunduan sa magkakapatid na McDonald. At noon ngang 1961, sinubukan niyang bilhin ang pagmamay ari sa brand. Kanyang tinatong ang magkapatid sa kung magkano ang gusto niyang ibayad upang malipat sa kanyang pangalan ang kumpanya. 

Nabili niya ito sa halagang $ 2.7 milyon. Sa oras na iyon, nagalangan siya nang panandalian dahil sa tingin nito ay napakamahal ng sinisingil ng magkapatid. Nguint tinuloy niya parin ito at sinunod ang kanyang vision para sa kumpanya. Di naglaon, napatunayan niyang ito ang isa sa pinakasulit at pinakamahusay na investment na kanyang ginawa. 

Bumaba si Kroc bilang C.E.O. noong 1968, ngunit mayroon pa rin siyang aktibong papel sa kumpanya. Sa kabila ng isang masamang ekonomiya noong 70s, pinilit niya ang mga bagon leaders nito na piliting taasan at bilisan ang paglago nito. 

Nang mamatay si Kroc noong 1984, ang McDonald ay tuluyan nang lumago kung saan umabot na sa  mahigit 8000 na mga restawran ang fast-food brands sa 32 na mga bansa sa buong mundo. Gamit ang parehong pamamaraan na nakuha ni Kroc -na ginawang perpekto – mula sa kaalaman na pinangunahan ng magkapatid na sila Dic at Mac McDonald, patuloy na napanatili nito ang maging isa restaurant na nasa tuktok ng restaurant industry. 

Ngayon, ang McDonald’s ay mayroon nang mahigit sa 34,000 na mga restawran sa buong mundo, kung saan may iba’t ibang bersyon ng burger ang ilan sa mga bansa upang umangkop sa kanilang kultura. Naghahain ang McDonald’s sa mundo ng ilan sa mga paboritong pagkain tulad ng Big Mac, Big n ‘Tasty, Quarter Pounder with Cheese, Cheeseburger, French Fries, Egg McMuffin, Apple Pie at Sundae.Bilang isa sa totoong global corporations sa mundo, ang mga restawran ng McDonald ay matatagpuan sa  napakaraming mga bansa kahit sa ibang bansa gaya ng Indonesia at Egypt, kung saan ang kumpanya ay may isang espesyal na halal menu.

Sa Pilipinas naman ay paboritong pagkain ng mga Pinoy ang mga lokal nitong pagkain tulad ng Chicken McDo, Burger McDo at McSpaghetti. Ang mga paborito na ito ay espesyal na ginawa upang maihatid ang natatanging panlasa ng mga Pilipino.

Noong 1981 unang dumating ang unang franchise ng McDonald’s kung saan ito ay unang ipinatayo ni Dr. George T. Yang sa Morayta, Manila. Taong 1992 naman na itinayo ang mga sumunod na prangkisa sa Visayas at Mindanao kung saan sa Cebu City at Cagayan de Oro itinayo. Dito sa Pilipinas, ang McDonald’s at ang korporasyon ay 100% Filipino- owned. 

Bukod sa ethics nito bilang kumpanya, ang tagumpay nito bilang isang pandaigdigang franchise ay hindi maikakaila na mahusay na siyang isa sa mga inspirasyon sa iba pang fast-food restaurants upang maging franchise, at ito na nga ang isa sa pinakamalaking tagumpay ng ika-20 siglo.

Contribution of McDonald’s to the Industry of Fast Food 

Sa paglipas ng mga taon, ang McDonald’s ang siyang nag pioneer sa pagsisimula ng pagdami ng mga fast food restaurants sa mundo. Ito ay nagsilbing inspirasyon ng nakararami ng businesses upang mas mapadali, mapabilis, at mas mapaganda pa ang food service industry sa mundo. Kaya naman ay sapat na itong dahilan upang tawagin ang McDonald’s bilang King of Fast Food. Mula sa pagpapalawak ng kumpanya bilang isang solong restawran sa California patungo sa pagiging isa sa pinakamalaking restaurant chain sa buong mundo ay hindi maikakaila na ang pagsikat ng McDonald’s sa buong mundo ay isa sa pinakadakilang tagumpay ng Amerika. 

Mula sa kultura ng korporasyon hanggang sa napakahusay na food preparation at service, masasabi natin na ang McDonald’s ay isang mahusay na halimbawa ng isang tagumpay nang dahil sa pag-iisip ng makabagong paraan. 

 

Isa sa mga aral na mapupulot natin dito ay ang maging innovative sa negosyo. Bilang entrepreneur, palaging tingnan ang pangangailangan ng mga consumers dahil sa kanila manggagaling ang ideya kung paano mo mas pagbutihin ang iyong negosyo. Kapag nasagot mo kung ang ang problema ng iyong mga consumers at masolusyonan mo ito, tiyak na malaki ang tsansa na lalaki ang iyong negosyo. 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61ef2b1d65c65
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro