The Rags to Riches Story of One of China’s Richest Businessman — Jack Ma 

To experience success in your life, you must be prepared to experience failure. 

Madalas sa buhay, ang pagkabigo ay kadalasang mas nakikita natin kaysa sa tagumpay. Minsan dahil takot tayo dito, kung kaya naman minsan pa ating iniiwasan, at madalas tinatanong natin ang ating mga sarili sa tuwing tayo ay nakakaisip ng bago at unconventional na mga ideya. Isa sa mga pumapasok agad sa atin isipan ay “Paano kung mabigo ito?”, “Paano kung walang magandang resulta?” Ang simpleng katotohanan ay – walang mahusay na tagumpay ang nakakamit nang walang pagkabigo. 

Kahit ang mga pinaka successful na mga personalidad sa kahit anong larangan at industriya ay dumaan at dumaraan pa sa pagkabigo bago pa man tuluyang magkaroon ng kahit isang tagumpay sa kanilang buhay.      

 Gaya ng iba pang kilalang personalidad sa mundo ng business, ang istorya ng minsang naging pinakamayaman sa buong mundo, na si Jack Ma ay di rin nalalayo sa typical na rags to riches na istorya ng iba pang alam natin. Ang buhay ni Jack Ma ay marahil isa sa pinakadakilang halimbawa ng tagumpay sa kabila ng kabiguan sa buhay.

Bago pa man niya natamasa ang pinakamataas na  punto ng tagumpay sa kanyang karera, nakaranas muna siya ng halos sunod-sunod na kabiguan sa buhay. Mga kabiguan na maaaring para kanino ay maging sanhi upang sumuko sa laban at panghinaan ng loob.

Ibahin natin si Jack Ma. 

Si Ma Yun a.k.a Jack Ma ay isa sa mga self-made billionaires na may humble beginnings. Narito ang istorya ng tagumpay ng isa sa pinakamayamang tao sa mundo na si Jack Ma:  

Early Life of Ma Yun 

 Si Jack Ma ay ipinanganak sa lungsod ng Hangzhou, China noong 1964. Pangalawa sa magkakapatid, siya at ang kanyang mga kapatid ay lumaki sa panahon ng Cultural Revolution kung saan ang China ay nalayo pa sa West, at ang kanyang pamilya ay walang gaanong pera noong sila ay bata pa. 

Bilang bata, madalas siyang napapaaway sa kanyang mga kalaro dahil sa hindi siya kailanman nasisindak sa mga mas malaki sa kanya, isang katangian na kanyang nadala hanggang sa kanyang paglaki. 

Matapos ang pagbisita ni President Nixon sa Hangzhou noong 1972, ang bayan ni Ma ay naging isang tampukan ng mga turista. Dito na nagimulang nabighani si Ma sa Western Culture. Dahil sa marami ng mga turista ang bumibisita sa China, mahilig siya noon bumisita sa mga hotel kung saan tumutuloy ang mga turista. Umulan man o umaraw ay palagi siyang pumupunta doon upang makihalubilo sa mga dayuhan. Natuto siyang makipagkaibigan sa kanila at inaalok ang mga ito ng tour kapalit ng upang matuto ng salitang Ingles. Gawa ng pakikipagkaibigan niya sa mga turista, isa sa mga ito ang nagbigay sa kanya ng kanyang English name na “Jack”. Kalaunan ay nagkaroon siya ng oportunidad na makapunta sa Australia matapos siyang imbitahan ng kanyang mga banyagang kaibigan. Dito niya nakumpara ang kalidad ng buhay ng mga tao doon kumpara sa buhay ng mga tao sa China. Ito ang mas nag igting ng kanyang kagustuhan na maranasan ang buhay sa labas ng China. 

Kahit walang koneksyon at kapos sa salapi ang kanyang pamilya, alam ni Jack Ma na ang tanging tyansa niya upang mas mabilis niyang makamit ang kanyang pangarap ay sa pamamagitan ng edukasyon. Kahit na siya ay magaling na sa Ingles tila mahina naman siya sa ibang subject gaya ng Math, ngunit ganunpaman nakapagtapos pa rin siya sa elementarya at high school. 

Kalaunan ay nag-apply siya upang mag-aral sa kolehiyo ngunit dalawang beses na nabigo sa entrance exam. Matapos ang pagpupursigi sa pag-aaral upang makapaghanda sa exam ay sa wakas nakapasa din siya sa pangatlong niyang pagsubok at kalaunan ay na dumadalo sa Hangzhou Teacher Institute. Siya ay nakapagtapos noong 1988 at nagsimulang mag-apply sa iba’t-ibang trabaho. 

Matapos mag kolehiyo, layunin ni Ma na makahanap ng magandang trabaho na magbibigay sa kanya ng mas maginhawang buhay. Ngunit tila ba ay hindi gaanong maswerte ito sa kanyang paghahanap ng trabaho. Nag-apply siya para sa 30 na magkakaibang mga trabaho ngunit tinanggihan siya ng lahat ng ito. Sinubukan din niyang pumasok sa kapulisan ngunit di rin ito tinanggap. Noong siya ay nag-apply sa KFC, sa 24 na sumubok ng kanilang kapalaran sa pagpasok sa kumpanya, 23 ang nakapasok at siya lamang ang nareject sa trabaho at nasabihan pa ito na hindi ito magaling. Sa paghahanap ng trabaho, siya ay nauwi bilang isang English teacher. 

Persistence Through Rejection and Failure 

Sa kabila ng napakaraming kabiguan, at ilang beses na pagtalikod ng mga tao sa kanyang kakayahan, hindi siya nawalan ng kumpyansa sa sari na balang araw ay darating din ang kanyang panahon. Kaya naman ay patuloy siyang patuloy na sumubok sa buhay hanggang sa mahanap niya ang kanyang tamang oportunidad. Nabanggit pa nga nito na 10 na beses siyang paulit-ulit na nareject ng Harvard. 

Dahil sa magaling siyang mag- Ingles na sariling sikap niyang pinag-aralan at pinaghusayan, si Jack ay makapag simula ng isang translation service business na siyang nakapagpa bisita sa kanya sa US bilang isang translator. Dito niya unang nalaman at naranasan ang tungkol sa Internet at ang potensyal nito sa mundo ng teknolohiya at Negosyo.  Kahit na walang kaalam-alam sa larangan ng coding st mga teknikal ng bahagi ng computers, naging interesado siyang tungkol dito. 

Dahil sa koneksyon na ginagawa ng Internet, nagka-ideya si Ma na gumawa ng isang Online store. Nagmula ang ideyang ito matapos niyang malaman na walang nahahanap na Chinese beer sa mga online results sa Intertet. Dito na nabuo ang kanyang pangalawang online venture na tinawag niya na “China Yellow Pages” na kung saan nakalista dito ang iba’t-ibang klase ng Chinese businesses at ang kanilang mga produkto. Dahil dito, maraming mga businesses ang nagkaroon ng exposure sa Internet na naging dahilan  rin ng pagrami ng interesado na makipag-partner sa kanya. 

Bago pa man siya nagkaroon ng mga kliyente, tila ba ay itinuring siya na isang “con man” sa loob ng tatlong taon dahil sa kanyang pagsisikap na madala sa China ang karunungan tungkol sa Internet. Ininvest niya ang kanyang pera upang maitayo ang kanyang kumpanya at mano-mano niyang hinanap ang kanyang mga potensyal na kliyente. Dahil hindi niya basta-basta naidedemo sa mga tao ang makabagong konsepto ng internet, nahirapan siya na magkumbinsi ng mga tao. Sa kalbi nito, hindi siya tumigil at patuloy pa rin sa kanyang hangarin. 

Isa sa malaking problema na kanyang kinaharap ay ang access ng Internet sa kanyang bayan sa Hangzhou. Kung para sa ibang tao ay tila impossible ang gawing possible ang pagsasakatuparan ng kanyang negosyo, iba ang vision ni Jack Ma ukol dito. Ipinagkalat niya mismo sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa kanyang negosyo at mano-manong ipinaliwanag ang konsepto nito. Kinumbinsi niya na magpagawa ang mga kumpanya sa kanila ng website dahil umano sa malaking potensyal na naibibigay nito sa mga kumpanya. 

The Long Hard Road to Success

Upang mas mapalawak pa ito, siya ay nakipagpartner sa isang government company kung saan nagkaroon siya ng sapat na funding upang palakihin ito. Sa kasamaang palad, hindi na umayon sa kagustuhan ni Ma ang pagpapalakad sa kumpanya at tuluyan na niyang nilisan ang kumpanyang kanyang sinimulan. Kalaunan ay nagtrabaho pa rin siya sa gobyerno na siyang nagbigay daan upang mag-karoon siya ng maraming koneksyon sa iba’t ibang industriya na sya naming napakinabangan niya sa kanyang mga plano. Isa sa mga nakilala niya ay ang isa sa mga nagsimula ng Yahoo! na si Jerry Yang. 

Dahil sa nakikita niyang potensyal na market ng Internet noon, ipinagpatuloy niya ang kanyang hangarin na makapagsimula muli ng negosyo na kaugnay dito. At noon ngang 1999, matapos niyang iwan ang kanyang trabaho sa gobyerno, kasabay ang kanyang mga kaibigan ay nagsimula silang magkonsepto ng isang online marketplace para sa mga small at medium-sized businesses. 

Dahil sa malaking funding ang kakailanganin para sa kanilang venture, pumunta si Ma sa US upang i-pitch ang kanyang ideya sa Silicon Valley sap pag-asa na makakakuha ito ng funding para simulant ang kanyang online market platform. Sa kabila ng kanyang pagsisikap na magustuhan nila ang ideya nito, is ana naming panibagong rejection ang kanyang natamo dahil umano ang ideya niya hindi raw kikita at walang patutunguhan. 

Sa kabila ng mga kritiko, hindi ito pinakinggan ni Jack Ma at patuloy na naniwala sa kanyang vision. At sa wakas, dahil sa pagsisikap ay nabigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang potensyal ng kanyang ideya. Nabigyan siya ng $5 million mula sa Goldman Sachs at $20 million na funding mula sa Softbank, na mga pawang kilala na mga tech companies sa mundo. 

At simula noon, unti-unting umusbong na ang Alibaba. 

The Rough Start of Alibaba

Noong nagsimula ng magoperate ang Alibaba, hindi pa rin garantisado ang tagumpay nito. Bilang isang emerging at makabagong ideya sa market kung saan ang Internet ay unti-unti pang kinikilala sa mundo, hindi agad tinanggap ang Alibaba at humarap pa ito sa muntikang pagkalugi sa mga unang tatlong taon ng operasyon. Dahil sa noon ay ang ekonomiya ng China ay nasa umpisa pa lamang nga pagasenso, maging ang negosyo at gobyerno ay nag-aalangan pa tungkol sa ideya ng online marketplace. 

Nagkaroon din ng mga internal na issue ang Alibaba dahil sa hindi umayon ang vision ni Ma sa kung paaano tingnan ng iba niyang kasamahan sa kumpanya ang Alibaba na naging dahilan ng pag-alis ng ibang miyembro na kanyang team at tumalikod sa kanya. 

Alibaba Making History  

Kahit na ang kinabukasan ng Alibaba ay naging malabo noong ito’y nagsisimula pa lamang, unti-unting nakabangon si Jack Ma at ang Alibaba dahil na rin sa determinasyon at ang dedikasyon niya sa kanyang mga mithiin para sa kanyang kumpanya at sarili. Nabuklod niya ang mga naiwan niyang team members sa Alibaba at sabay nilang muling patayuin ang noong paguho nang kumpanya ng Alibaba.  

Sa tulong ng kanyang loyal team, nagawang makipagsabayan ng Alibaba sa iba pang online businesses na gaya ng eBay na noon ay nag ooperate na din sa China. Sa loob lamang ng limang taon, nagawa ng Alibaba na tumayo bilang main online market platform sa buong China at tuluyan nang nalugi ang eBay sa China. Sa tulong koneksyon niya sa Yahoo!, na si Jerry Yang, nagkaroon pa ng karagdagang funding ang Alibaba at nagawa nitong magexpand pa sa international market. 

Sa ngayon ay patuloy na lumalaki ang Alibaba at isa sa nangunguna sa industriya ng online market mapa-retail, wholesale, logistics at isa na ngayon sa pinakamalaking conglomerates sa buong mundo. Ngayon, Jack Ma ay tinaguriang isa sa pinakamayamang tao sa mundo bilang tagapagtatag ng Alibaba, isa sa pinakamalaking kumpanya ng e-commerce sa mundo. Noong 2009 at 2014, napunta si Ma sa ‘100 pinaka-maimpluwensyang tao’ ng Time Magazine at napili rin bilang isa sa ‘Pinaka-Makapangyarihang Tao’ ng China at lumilitaw na rin sa front page ng mga sikat na pahayagan sa mundo gay ana lamang ng Forbes magazine. 

Why Alibaba? 

Ang pangalan ng kumpanya ay nagmula sa karakter na Ali Baba mula sa Middle Eastern folk-tale collection na One Thousand and One Nights. Ang ibig sabihin ng Alibaba ay open sesame. At si Ali Baba ay isang mabait, matalinong negosyante na natulungan ang kanyang village. Nalalapit ito sa layunin ni Jack Ma sa Alibaba, nais niyang matulungan ang kapwa niya negosyante na mas mapabuti pa ang kanilang negosyo at making bukas ang Alibaba sa mundo. 

“Drive will take you much farther than talent ever could.” 

Ang storya ni Jack Ma ay isang patunay lamang ng katagang ito. Importante ang determinasyon at dedikasyon sa buhay. Di mo kailangan maging napaka talino o magaling sa buhay para umasenso. Mas kailangan mong maging matapang, determinado at masipag higit sa lahat. Kung gusto mong marating ang mga pangarap mo at mapunta sa lugar kung saan natatamasa mo ang tagumpay, kailangan mong maging handa sa kahit anong pagsubok na dumating sa iyo. 

Maging bukas sa pagkakamali at matuto. Matutong bumangon sa tuwing ika’y madadapa dahil patuloy lamang ang buhay. Titigil lamang ito kapag ika’y sumuko na. 

 

 

Gusto Mo Ba Kumita at Magsimula Ng Sariling Online Business?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Product Categories

Choose a Sub-Category
products_category
61ed97510582d
0
1
Loading....

Keep Updated with our latest products

GenMerPro offers a growing number of wholesale product categories offered by our verified wholesale suppliers. From food, apparel to automotive, we have you all covered!

Loading
© 2022 General Merchant Pro, All rights Reserved.

Designed By GooGler Media Pro